‘Unprotected sex’...

Nakipag-sex ka ng walang proteksiyon….

Kinakabahan ka dahil baka ‘nadale ka.’ Hindi pa handing mabuntis. Anong gagawin mo?

Morning-after pills - Nakalimutan mo bang uminom ng pills o di kaya ay mali ang inom mo? Tapos, nakipag-sex ka ng walang proteksiyon..

Mayroon namang morning after pills emergency contraceptives.

STD tests - Ipinapayong sumailalim sa STD test lalo na kung ang iyong ka-sex ay ‘nakilala’ mo lang kung saan. Kung nahawa ng STD, may treatment naman ito. Ayon sa mga eksperto, magpa-test sa gonorrhea, chlamydia, syphilis, HIV, at hepatitis B at C virus sa loob lamang ng ilang linggo matapos ang unprotected sex.

Para sigurado, magpa-test uli matapos ang anim na buwan dahil baka negatibo pa sa unang test ngunit malamang na maging positibo  sa ikalawang pagkakataon.

Mag-monitor - Hindi porket nakainom ka na ng morning-after pills ay safe ka na. May mga nabubuntis pa rin kahit umiinom ng pills o uminom ng morning pills.

Kaya ipinapayong i-monitor ang sarili kung buntis o hindi.

 

 

Show comments