Nakakulong sa ‘box’

Panaginip: Nakakulong ako sa “box” na makipot at madilim. Hindi ako makahinga at takot na takot. Sumigaw ako para humingi ng tulong. Gini­sing ako ng aking mister dahil sa sobrang lakas ng aking sigaw.---lovethyenemy

Interpretation: Alinman sa mga sumusunod ang sitwasyon mo ngayon: 1) Gipit na gipit ka sa pera ngayon. Ito ang nagbibigay sa iyo ng anxiety. 2) Nakatira ka sa isang makipot na lugar kaya hindi mo namamalayan ay umaatake ang iyong claustrophobia. 3) Bago matulog ay masama ang iyong pakiramdam.

 

Show comments