Diabetes at sex (3)

Ito ay karugtong ng paksa kung anu-anong epekto ng diabetes sa sex life ng isang tao.

Bukod sa problema sa sex life na dulot ng diabetes, naaapektuhan din ang ibang sistema ng katawan tulad ng puso, blood vessels, nerves, mata at atay. Kapag may diabetes, maaari ring magkaproblema sa sa bladder o pantog at  urinary tract infections ayon sa National Diabetes Information
Clearinghouse (NDIC)

Bladder Problems

May mga pangyayari o kondisyon na mamaring makasira ng nerves na komokontol sa function ng bladder at kabilang na rito ang diabetes, injuries at infections.

Kapag may problema sa bladder, nakakaapekto ito sa atin buhay. Kabilang na sa mbladder problems ay ang overactive bladder, hindi nakokontrol ang sphincter muscle at hindi nailalabas lahat ang ihi.

Isa isa natin itong tatalakayin. 

Overactive bladder.

Kapag nada-damage ang nerves, maaari itong magbigay ng signal sa bladder ng wala sa oras kaya nagpipiga ang muscle ng walang warning.

Ang mga sintomas ng overactive bladder ay ang

â—¦ Madalas na pag-ihi na maaaring umabot ng walo o higit pa sa araw at dalawa o higit pa sa gabi.

â—¦ Bigla na lamang nararamdamang naiihi na hindi mapigilan.

â—¦ Pagtagas ng ihi dahil hindi ito mapigilan. (ITUTULOY)

 

Show comments