Bakit Hindi Kayo Umaasenso? Sa kabila ng pagpu-Feng Shui...

1—May mga objects sa loob ng bahay na nagdudulot ng negatibong damdamin kagaya ng kalungkutan : Halimbawa, jar na kinalalagyan ng abo ng kaanak na pumanaw. Hindi dapat ito idispley sa loob ng bahay. Ilagak ito sa tamang lugar kagaya sa sementeryo or columbarium.

2—Ang isa pang nagdudulot ng negative feeling ay ang pinapanood sa TV. Kapag ang pinapanood ay hindi nagbibigay ng kasiyahan at satisfaction sa puso, huwag itong panoorin at huwag ipapanood sa mga bata. Ganoon lang kasimple.

3—Ang maruruming sapatos o kahit anong sapin sa paa ay dinadala hanggang sa loob ng bahay at hinahayaang pakalat-kalat. Maglaan ng lagayan para sa mga foot wear na may takip (kung nasa loob ng bahay) o ilagay ito sa likod ng bahay. Mabaho ang bahay dahil sa ihi ng mga pets, leak mula sa poso negro at maruming toilet.

4—May itinatagong illegal items sa bahay kagaya ng mga smuggled goods, mga ninakaw na gamit, naipong DVD na naglalaman ng malalaswang movies, bold magazines.

Show comments