Ingatan ang buhok sa pool chlorine at UV rays Last Part

Makakabuti kung mag-a-apply ng husto ng conditioner bago mag-swimming. Dahil ang oil na galing sa conditioner ang magsisilbing barrier sa bawat hibla ng iyong buhok, na haharang para hindi ma-absorb ng iyong buhok ang chlorine.

Pwede rin naman magsuot na lang ng swimming cap, para maprotektahan ang buhok laban sa mga pool chemicals. May mga swim caps na hindi madaling isuot at maaaring hindi naman magustuhan ng iba ang itsura kapag naka-swim caps pero ito ang isa sa masasabing praktikal na paraan para maalagaan ang buhok habang nasa pool at expose sa araw.

 

Show comments