5 Pampasuwerte sa iyong office desk

Flowers—Ilagay ang fresh flowers na nasa vase sa East side ng iyong desk. Pero hindi dapat ito humaharang sa iyong view. Palitan ang bulaklak kapag lanta na.

Plants—Magdispley ng maliit na healthy plant sa Southeast corner ng desk. Nakakaakit ito ng good income luck at personal growth.

Crystals—Maglagay ng crystal ball sa Southwest corner ng desk upang maging harmonious ang relasyon mo sa iyong mga kasamahan sa trabaho.

Lamp—Ilagay sa South corner ng iyong desk ang small lamp upang sumikat at magkaroon ka ng magandang reputasyon sa kompanya at sa buong business community sa labas ng iyong kompanya.

Calculators at Computers—Ang personal office equipment ay puwedeng ilagay sa hiwalay na table ngunit siguraduhing nasa West or Northwest corner ang mga ito.

Show comments