^

Pang Movies

Paulo, may wish kay Kathryn!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Paulo, may wish kay Kathryn!
Paulo

Ang bongga naman ng aktor na si Paulo Avelino na gustong makatrabaho ang ex ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo.

Magbabalik siya sa big screen kasama ang beauty queen na si Kylie Verzosa kung saan bibida sila.

Sunud-sunod nga ang blessings sa aktor na hindi nababakante ng proyekto.

Kasalukuyan silang napapanood ni Kim Chiu sa What’s Wrong With Secretary Kim na nagpapakilig sa fans nila.

Natanong siya kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho at sinabing si Kim at sinundan niya rin na gusto rin niyang makasama si Kathryn.

Baka raw maging bagay siya sa proyektong gagawin ni Kathryn na unti-unting sumasabak sa mature roles.

Wala namang imposible dahil ngayong malabo nang muling magtambal ang KathNiel ay baka nga maaari silang makagawa ng proyektong magkasama. Mukhang bagay rin naman silang magtambal na parehong good-looking.

Nasabik nga agad ang fans tungkol dito at i-manifest na raw ito. Bongga.

Giuliana, kinabiliban ang Istilo

Impressive naman talaga ang singing style ni Giuliana Chong. Noon pa lang sumali siya sa isang singing contest alam mo na agad na may mararating ang young singer.

Setback nga lang na sa province pala nakatira at nag-aaral ang batang singer kaya hindi puwede na maging very active sa city para sa kanyang exposure. Pero dahil bata pa nga si Giuliana kaya siguro wala munang pressure.

 Tinutulungan ni Pinky Tobiano ang batang singer kaya makakatiyak ka na magiging maganda ang future nito. Imagine mo na nakabantay sa kanyang presscon sina Peanne at Ryan sa SuperSam na favorite resto namin kaya alam mo na talagang alagang-alaga ni Pinky Tobiano ang young singer. Bongga.

vuukle comment

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with