Mark Gil, nadadawit sa pagkamatay ni Jaclyn

Jaclyn Jose
STAR/ File

Alam mo ba na bothered ako sa mga lumalabas na balita tungkol sa mga Eigenmann lately? Lalo pa nga ‘pag nababanggit ang pangalan ni Mark Gil na tatay nina Andi at Gabby Eigenmann.

Kasi nga nakasama namin for almost one month sa Europe noon nina Ethel Ramos at Direk Gil Portes si Mark Gil nang mag-shooting sila nila Vilma Santos at isa si Mark sa pinakamabait na artista na nakilala namin. Magalang, mabait at hindi namin malilimutan very gentleman sa lahat ng kasama niya.

Siguro naman lahat nasabi na tungkol sa buhay ni Jaclyn Jose kaya hindi na siguro dapat pang pahabain ang iba pang bagay. Igalang na lang natin ang mga alaalang naiwan at huwag nang buksan pa ang mga hindi dapat buksan.

Ipagdasal na lang natin ang katahimikan ng mga kaluluwa ng mga namatay, at huwag nang isali ang hindi dapat isali.

Paggalang na lang sa mga taong nauna sa atin na alalahanin ang magagandang bagay instead ang iba pang hindi maganda.

May their souls rest in peace. Amen

Show comments