Mga marites, nalaos sa ‘era’

Dominic

Aba hindi ka ba naman magugulat ngayon pati ang kaso ng libel pinag-uusapan.

Tulad na ikinatwiran ni Cristy Fermin na hindi naman niya binanggit ang pangalan ng mga pulitikong sina Bong Suntay at Bullet Jalosjos, pero ang sabi nga ni Dominic Roque, ang pagbanggit niya sa isang condominium na nakalagay sa pangalan ng isang pulitiko, at iyong pagkakaroon ni Dominic ng isang gasoline station na may insinuation na galing sa benefectors na pulitiko at identified naman ang dalawa na siyang may-ari ng sinasabing properties at ang katotohanan na open ay sinasabi naman nilang talagang kaibigan at barkada nila si Dominic, para na rin silang diretsahang tinukoy.

Anyway, sa postura nila ngayon, at sa sinasabi nilang hindi dapat na palampasin nang ganoon na lamang ang sinasabi ng mga ‘marites,’ mukhang marami nga yata silang balak sampahan ng demanda, pero sakit din ng ulo nila iyan kung sakali.

Pero natawa na lang kami sa isa pang narinig namin. Laos na raw ngayon sina marites at Marisol. Ang talaga raw uso ngayon ay si Era, “Pakialamera” “Sulsolera” “Intrigera” at “Mukhang pera.”

Kaya asahan ninyo sa mga susunod na araw ang maririnig naman ninyo ay tungkol kay Era.

Heart, nag-warning

May pinalabas na warning si Heart Evangelista, dapat daw kung may gustong kunin siya sa isang project, o makipag-collab sa kanya ay siya mismo ang kakausapin at huwag makikipag-deal kahit na kanino.

Wala naman siyang sinabing nangyaring hindi maganda, pero suspetsa namin may nagpapanggap na manager ni Heart at nakikipag-deal kung kani-kanino nang hindi niya alam.

Masama ang magbintang pero tama ang ginawa ni Heart na nagpalabas siya ng warning.

Baguhang male star, mala-Cherie Gil ang eksena nang mabuking ang panloloko

Nasapak ng sarili niyang gay friend ang isang papasikat na male star.

May suspetsa na pala ang gay friend sa male star, at nang minsang mag-date sila, may isang bading na lumapit sa male star, humalik na bigla at bumati nang “Hello love.” Kung humalik lang ay ok lang sana iyon dahil natural na iyang beso-beso sa showbiz pero iyong batiin pa ng “hello Love” iba na iyon, binuhusan ng tubig at mala Cherie Gil na nagsabing “You’re nothng but a poor third rate boyfriend.” Tapos sinampal ng bading ang male star boyfriend niya sa harap ng maraming tao at natural nagkagulo sa upscale na restaurant na iyon.

Napahiya rin siyempre ang “moneyed bading” dahil ang ipinagyayabang pala niyang boyfriend ay syota rin ng isang low level bading.

Show comments