Ilang araw nang pinag-uusapan ang mga litrato ni Mariel Padilla na nagpa-glutha drip daw sa office ng mismong asawa niyang si Senador Robin Padilla sa Senado.
Pero mabilis din naman ang ginawa nilang correction hindi raw glutha drip iyon kundi Vitamin C, at sinabi pa ni Mariel na ang gusto raw niyang ipakita kahit na gaano ka-busy ang isang taong gaya niya, dapat na isingit pa rin ang para sa kalusugan ng kanyang katawan.
Nilinaw din naman niyang nasa senado siya dahil gusto niyang suportahan ang kanyang asawa para sa Eddie Garcia Bill. At naghihintay siguro ng oras, isiningit na nga niya ang vitamin drip.
Pero napatunayan dito na hindi alam ni Mariel ang protocol sa senado. Hindi rin siguro niya kabisado ang protocol at decorum na dapat ipatupad sa isang tanggapan ng gobyerno.
Hindi kagaya ng mga artista, kahit na ano pa ang gawin mo sa set habang naghihintay ka ng trabaho mo, puwede mong gawain. O kung ikaw ay isang executive sa isang opisinang pribado at hindi gobyerno, walang makikialam sa iyo kasi nga pribado iyon. Pero basta sa isang opisina ng gobyerno, tiyak may masasabi sa iyo.
Ano ang masasabi ninyo sa mga manggagawa na nasuspinde dahil lamang nakitang nagpapa-manicure at pedicure sa kanilang tanggapan kahit na sa totoo ay break time naman nila.
O iyong nahuhuling natutulog sa kanilang opisina?
Sasabihin naman nila, hindi naman empleyado ng gobyerno si Mariel eh ‘di lalo na nga siyang walang karapatang dumayo pa sa senado para sa isang vitamin drip.
Pero hindi mo naman masisisi, dahil hindi naman siya sanay sa protocol at at ipinatutupad na decorum sa isang public office.
Nag-apologize naman si Mariel sa pamunuan ng Senado, at nagbigay na ng paliwanag kung bakit nangyari ang ganoon. Pero may nangangantiyaw, si Mariel ay isa ring on line seller, baka naman daw isang araw ay mapanood siyang nagla-live selling sa senado.
Walang private office saan mang tanggapan ng gobyerno at ang lahat ng mga kagamitan at facilities diyan ay “for official use only” kahit na papel at ballpen lamang.
BB Gandanghari, pwede na rin sa Miss U
Parang wala na ngang premium ang Miss Universe.
May isang video akong napanood kung saan sinasabi ng may-ari na si Anne Jukrajutatip na lahat ay pwede nang sumali - bakla, transgender mga may asawa’t anak at kahit pa lola na pero walang tsansang manalo.
Kung mangyari raw iyon, mas lalawak ang kanilang sales sa mga advertiser.
Hindi ba may panahon pa ngang may isang Miss Universe na inalisan ng Korona dahil nalaman nilang may anak na pala?
Ngayon kahit na may anak na, kahit na sabihin pang “hindi tunay na babae at nagpapanggap lang na babae” puwede na.
Pero kung ganyan, ano halimbawa ang makapipigil sa isang baklang Pinoy na sumali sa Miss Universe Philippines at papaano kung manalo na siya at saka mabukong siya pala ay isang transgender lamang?
Halimbawa maaari nang sumali si BB Gandanghari dahil maganda naman siya at pati hubog ng kanyang katawan. Mag-make up lang nang todo si Paolo Ballesteros puwede siyang makalusot. Pero tapos ano, ipatatalo lang siya sa international pageant?
Panonoorin pa ba nila ang Miss Universe para malaman kung ang mananalo ay isang tunay na babae o “Isang lalaki na nagpapanggap lamang na siya ay babae.”
Hay naku, ano pang natitira nilang kredibilidad.