Bea at Dominic, may batuhan ng basura

Bea

Batuhan ng putik ang nangyayari ngayon ng mga kampo kina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos ang hiwalayan bago ang nakatakdang kasal!

Nauungkat ang nakaraan ni Bea bago pa man siya pumasok sa showbiz habang naglalabasan na may taong prominente na dinidikit kay Dom kaya may sarili siyang condo ngayon!

May cryptic posts pang “sheep in a wolf’s clothing” at “manipulative sad boi.” Kung bakit naglalabasan ang mga ito, taga-depensa ito ng dalawang panig!

Kahit sabihin ni Kuya Boy Abunda, do not speculate, eh ‘yun lang naman ang kayang gawin ng publiko lalo na ang netizens. Eh sa nangyayari, malabo nang magkabalikan pa sina Bea at Dom, huh!

Eat Bulaga, napapanood na rin sa bagong channel

Nadagdag ang RPTV sa free channel ng TV5 na Channel 13 sa aming TVplus.

Napapapanood na rito ang PBA games bukod sa iba nitong channels sa Cignal Plus. Maging ang Eat Bulaga nina Tito, Vic and Joey eh simulcast na sa nasabing free channel.

Of course, mas bobongga ang TV5 kung magdadagdag din sila ng ibang transmitters sa malalayong probinsiya nang sa gayun ay madagdagan ang lawak ng nararating nito, huh!

Show comments