Dalawang singer, nagkainitan sa backstage!

Nagkairingan daw backstage ang dalawang magaling na singers na na­ging bahagi ng isang singing contest sa isang noontime show.

Si male singer 1, mentor ng isa sa finalists habang si singer 2 eh judge sa kantahan.

Hindi raw nagustuhan ni singer 1 ang naging pahayag ni singer 2 sa tinuruan niyang kumanta ng piyesa niya. Pero pinanindigan ni singer 2 ang kanyang hatol.

Hindi napasama sa Top 3 ang finalists ni singer 1. Sinita niya raw sa backstage si singer 2 dahil feeling niya, naitawid naman ng inalaagang singer ang nagkamaling lyrics ng kinanta.

Gusto nga raw bigwasan ni singer 1 si singer 2 after ng contest. Ready namang lumaban si singer 2, huh!

Hayun, napigilan na lang sila para hindi na magkaroon ng gulo! Maangas si singer 2 na kaya-kayanan si singer 1!

Carla, handang harapin si Tom

Handang harapin ni Carla Abellana ang ex-husband niyang si Tom Rodriguez kung sakaling magkrus ang kanilang landas ngayong balik-bansa na rin ang aktor. “Hindi naman maiiwasan ‘yung magkita kami. I don’t feel intimidated naman. Ready ako,” saad ni Carla sa interview niya for 24 Oras sa renewal ng contract niya sa GMA.

Sa totoo lang, pinayuhan si Carla ni Kris Aquino na bagay raw ang isang doctor para sa kanya pero wala raw sa isipan niya ang lovelife sa kasalukuyan.

Preparing na si Carla sa bagong GMA series niya na Widow’s War with Bea Alonzo and Gabbi Garcia.

Show comments