Anak ni Andrea, nakaraos na naman ng major operation

Andrea at anak

Hindi naiwasang mag-alala ni Andrea Del Rosario para sa kanyang anak na si Beatrice Anne, na sumailalim sa isang major surgery kamakailan. “Medyo spaced out because I just brought my daughter out from the hospital yesterday. So medyo windang pa. But she’s doing okay, she had a major surgery, but she’s recovering at home now,” pagbahagi niya tungkol sa kalagayan ni Beatrice na turning 14 years old.

Kung ilalarawan niya ang kanyang sarili bilang ina, sinabi ng aktres na isa siyang “worrywart,” dahil sa pag-aalala niya sa kanyang anak.

“Unfortunately I’m a worrywart because of her history. She has been fighting to be alive ever since she was born, so siyempre, I can’t help but worry. I think I’m a fun and chill mom.”

Naibahagi niya kamakailan sa Instagram na naging matagumpay ang operasyon ng kanyang anak na labis niyang ipinapasalamat.

Harvey at Criza, may bagong g-mik!

Magbibida na sa series na Zoomers ang Kapamilya teen stars na sina Harvey Bautista and Criza Taa.

“It felt like, for me like, we had to celebrate the fact na nakuha namin ‘yung five major roles kasi it really is a big deal na pinagkakatiwalaan kami nina Direk Lauren, Direk Ted, Direk Chad with this resposibility na leading this show na G-mik of this generation,” sey ni Harvey na former Goin’ Bulilit star.

Sey ni Criza: “For the longest time, every time haharap ako sa camera, every time mag-o-audition ako mayroon laging nakatanim sa puso ko na kailan kaya ‘yung time ko, kailan kaya ‘yung akin, kailan kaya darating ‘to. Marami akong ganoong questions sa sarili ko so nung time na sinabi sa akin ni Direk and nung time na na-realize ko na ‘oh my gosh talaga bang pinagkakatiwalaan nila ako rito kay Hope, wala akong ibang naramdaman kundi eagerness na mabigay kung ano ‘yung dapat mabigay ko sa character kung ano po ‘yung hinihingi and ano po ‘yung kailangan.”

Show comments