Zeinab, todo ang halikan kay Derek

Zeinab Harake

Nangapa sa kanyang pagbabalik sa acting si Derek Ramsay para filmfest movie ng Quantum Films ng ninang niyang si Atty. Joji Alonso dahil ilang taon siyang nabakante sa pag-arte nang pakasal sila ni Ellen Adarna.

Ayon kay Atty. Joji, designed for Derek ang role ng lead actor na natengga ng ilang taon bago natuloy.

Eh dumanas din ng hirap ang paggawa ng Kampon bago ito natapos na dinirek ni King Palisoc but it’s all worth it.

Pinalitan ni Beauty Gonzales si Kris Aquino bilang lead actress. Eh wala naman itong issue ito kay Beauty lalo na’t asawa ng kaibigang si Ellen ang kapareha niya.

Ang malaking rebelasyon sa pelikula ay ang social influencer na si Zeinab Harake na nakahalikan si Derek. “Salamat at inalaagan niya ako sa mga kissing scene namin,” sabi ni Zeinab.  

Sa pahayag ni Derek, may kagat labi at wild ang lovemaking nila ni Zeinab.

“For a beginner, marunong din siyang umarte,” sey ni Derek.

Puno ng misteryo at katatakutan ang Kampo na bagay na bagay ngayong December filmfest!

After Kampo, pahinga muna si Derek sa movies o TV dahil ang buhay may-asawa ang priority dahil gusto nilang magkaanak ni Ellen matapos mawala ang kanilang unang baby!

Show comments