^

Pang Movies

Alden, iwas sa bashers ng Kathniel

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Naging topic sa isang panayam kung nakakatulong daw ang pagkakaroon ng love team ng dalawang artista para sila sumikat. Napag-usapan iyon dahil sunud-sunod ang hiwalayan ng mga magkaka-loveteams at may nagsabi ngang sa latest na naghiwalayan na love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ay ito na raw ang end ng love team era. Isa nga sa nahingan ng opinion dito ay si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards na ilang taon ding naugnay noon kay Maine Mendoza at sumikat sila bilang AlDub loveteam.

“There’s nothing wrong with being part of a love team. It’s considered as launching pad for a lot of new actors and actresses. I’m very much grateful to be part of a love team in the past. There are no downsides to it. Iyon nga lang ‘yung identity mo, ‘yung unique self is also affiliated with another person, but actually it’s up to the actor or celebrity on how he would want to move forward in his carrer in showbiz. I’ve been a product of loveteams in showbiz.

“Hindi ko po ikinahihiya na doon ako nagsimula and I’m very grateful to the love team concept in the Philippines.”

Hiningan din si Alden ng view nito tungkol sa KathNiel hiwalayan pero pinili ng bida ng A Family of Two (A Mother and A Son) na manahimik na lamang at igalang ang private life ng dalawa.

Ruru, handang lumaban

Touching at puno ng puso ang message ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid para sa kanyang 26th birthday last Wednesday, Dec. 6. Ibinahagi ng Black Rider lead star ang kanyang birthday message sa lahat ng mga sumusuporta at nagmamahal sa kanya mula pa nang pasukin niya ang showbiz. 

Message ni Ruru: “Marami mang pagsubok ang pinagdaanan ko, ang mga ito ang mga bagay na nagturo sa akin para maging matibay sa anumang hamon ng buhay na ibinabato sa akin araw-araw. Salamat sa lahat ng pagmamahal at suporta mula sa inyo. Pangako na hindi ako mapapagod gumawa ng mga bagay na makapagbibigay ng saya at inspirasyon sa inyong lahat.”

Kasama sa mga pangako ni Ruru na handa siyang harapin ang mga bagong pagsubok na darating sa kanyang showbiz career at sa kanya mang personal life. Nakiusap din si Ruru sa supporters niya na samahan siyang tuparin ang dreams niya na kasama sila.

Pero may hihigit pa ba sa birthday greetings ng nag-iisa niyang girlfriend na si Bianca Umali.

Ang Black Rider ni Ruru ang top-action series sa GMA 7, every night, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras Integrated News.

vuukle comment

ACTOR

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with