^

Pang Movies

Pelikula ni KC, hindi napansin nang ipalabas 

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Pelikula ni KC, hindi napansin nang ipalabas 
KC at Gabby

Very proud si Gabby Concepcion matapos na mapanood ang performance ng kanyang anak na si KC sa pelikulang Asian Persuasion na palabas na ngayon sa ilang piling sinehan ng isang theatre chain. Talagang pinanood agad ni Gabby ang pelikula.

Talaga namang laging nakaalalay si Gabby kay KC sa anumang gawin nito.

Inaamin naman niya na nagkulang siya noong panahong lumalaki si KC na dapat sana ay nababantayan niya.

Ganoon din naman ang respeto ni KC kay Gabby. Hindi naman maikakailang mas malapit siya sa tatay niya at sinasabi nga niya na siya ay Papa’s girl.

Maraming mga bagong pelikulang kasabay ang pelikula ni KC maski na mga pelikulang Ingles at saka normally naman hindi ka umaasa sa isang malaking hit talaga bago mag-Pasko dahil iniipit na ng mga tao ang pera nila para sa Pasko at para sa Metro Manila Film Festival.

May third party?!

Matapos na sabihin ni Kathryn Bernardo na case closed na sa kanilang dalawa ni Daniel Padilla ay isang delayed announcement naman pala dahil mahigit nang tatlong buwang nangyari ang break-up nila.

Ang masama lang maraming ibang nadadamay. Kagaya ni Gillian Vicencio na siyang pinagbibintangang third party sa hiwalayang KathNiel pero ang totoo, wala naman pala siyang kinalaman sa mga nangyari. May nagsasabi pang ginagamit lang ng iba si GiIlian para makaligtas sila sa ngitngit ng KathNiel.

Naniniwala pa rin kami na darating ang isang araw na muling magkakasundo ang KathNiel.

Kuya Germs, nangunguna sa Christmas party noon

Kagabi ang unang Christmas party na aming nadaluhan for the year at gaya ng dati iyon ang Christmas party ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors). Sila lang naman ang laging una sa parties because they make sure na gagawin nila iyon ng December first.

Noong araw ang laging unang Christmas party ay ang party ni Kuya Germs (German Moreno) ngayon nga ay sa SPEED na.

Ang Christmas party nila ay hindi malaki, very intimate at mga piling kaibigan lamang ang naroroon bukod sa members nila.

Hindi sila nangungumbida ng mga artista sa kanilang Christmas party para sila bigyan ng regalo in fact sila pa ang nagbibigay ng regalo sa kanilang guests. Kami nga we went home na may dalang tatlong sets ng beauty products, dalawang kahon ng ginagamit naming liniment at isang kahong chocolates.

Isipin mo ikaw na nga ang invited, pinakain ka na nga ng masarap, may mga regalo pang ibinigay sa iyo.

Aktres, nagbabayad ng lalaki!

Hindi naman kami basta naniniwala sa mga tsismis lang kung hindi talagang first person account ang a­ming naririnig.

Ang tsismis ang isang female star na involved sa maraming mga relationship scandal lately ay mukhang may taglay na kalandian talaga. Isang male starlet na kilala ring “car fun boy,” ay ilang beses na palang naka-date ng female star na controversial ngayon dahil sa kanyang sexcapades.

At take note nagkakilala raw sila sa isang walwalan sa isang day and night club na istambayan ng mga “mahihilig” at  “boys for hire.” Inamin ng male starlet na tatlong beses na raw siyang na-hire ng female star. Pinatulan naman niya dahil totoong babae, maganda naman, at nagbayad pa sa kanya.

Kung nagagawa nga ng female star na magbayad pa ng lalaking type niya, magtataka pa ba kayo kung ginawa niya ang lahat para matikman ang isang lalaking inaamin niyang ipinagdasal pa niyang makuha?

vuukle comment

KC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with