^

Pang Movies

Rayver, gusto nang asawahin si Julie Anne

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rayver, gusto nang asawahin si Julie Anne
Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

Inamin na ni Rayver Cruz na gusto na niyang pakasalan ang girlfriend na si Julie Anne San Jose. Kaya naman sa interview kay Julie para sa Queendom Live tinanong siya kung totoo ang sinabi ni Rayver. “Lagi naman niya sa akin sinasabi yan,” natatawang sagot ni Julie.

“Parang walang araw na never na sinabi sa akin ‘yan. And it just proves how reassuring he is, and kung ano yung mga intentions and plans niya for the both of us, together.”

Seryoso naman daw talaga si Rayver, nang makausap siya sa presscon ng bagong drama series niyang ginagawa, ang Asawa ng Asawa Ko, kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Liezel Lopez.

Kasama rin sa cast sina Gina Alajar, Joem Bascon at Martin del Rosario, sa direksyon ni Laurice Guillen.

Ayon pa kay Rayver, naiisip na raw niya talagang mag-asawa dahil hindi na rin naman siya bumabata, doon din naman daw ang punta niya at napakasuwerte niyang minahal din siya ni Julie.

Ang Asawa ng Asawa Ko ay mapapanood sa GMA primetime simula January, 2024.

Katrina, sinagot ang ‘relasyon’ nila ni John Lloyd

Lumabas na ang character ni Katrina Halili sa top action series na Black Rider ng GMA 7 kaya minsan ay natanong si Katrina kung paano sila naging close friends ni John Lloyd Cruz matapos lumabas ang photos nilang magkasama in 2021?

Nagkaroon kasi ng speculations na sila nang dalawa, but recently, sinagot ni Katrina ang tungkol sa friendship nila ni John Lloyd na nagsimula noong pandemic ng 2021 na lumabas ang photos nilang magkasama sa probinsiya. 

Mayroon sa rest house ni John Lloyd sa Batangas, mayroon naman na magkasama sila sa Palawan, ang hometown ni Katrina. Pero nawala ang issue nang lumabas na magkaibigan lamang silang dalawa.

“Bumili kasi si JLC ng lot doon sa nanay ko sa Palawan, so magkapitbahay kami at itinuring na namin siyang family friend,” kuwento ni Katrina.

“Para ko na siyang kapatid, kasi ang mama ko parang anak na siya. Tapos iyong brother ko, parang kapatid na rin siya. At since then naging best friends na rin kami. Simple lamang siya, walang sugarcoating sa personality niya. What you see is what you get. Para siyang hindi artista, normal na tao siya. Hindi niya ipaparamdam sa iyo na artista siya, ganoon siya, sobrang simple.”

vuukle comment

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with