^

Pang Movies

Maja, ayaw makialam sa breakup nina Miles at Elijah

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maja, ayaw makialam sa breakup nina Miles at Elijah
Maja
STAR/ File

Ayaw munang mag-comment ni Maja Salvador tungkol sa breakup ng kanyang Emojination co-host Miles Ocampo with Senior High actor Elijah Canlas. Sa halip, in-assure ni Maja si Miles ng kanyang support. “Ayaw ko muna mag-comment, I just saw it now. No comment muna,” sabi ni Maja sa red carpet premiere of Repla­cing Chef Chico. “I’m her ate. Alam niya ‘yun, Forever Ate!”

Noong Thursday, Nov. 23, Elijah confirmed their split, pero he clarified that their breakup was amicable.

Yasser, inaming na-depress

Uso ba talaga ang mga breakups ngayon? Sa media­con ng Lover/Liars, ng GMA Network, inamin na rin ng isa sa lead stars ng serye na si Yasser Marta na break na sila ng girlfriend ng kapwa Kapuso Sparkler na si Kate Valdez.

Four months ago na pala nang na-stroke ang nanay ni Yasser.  “Sobrang na-depressed ako noon. Hindi ko kayang pagsabayin ang trabaho, love life at responsibilidad ko sa pamilya ko. Wala naman akong problema kay Kate at sa pamilya niya. Si Tita Tere, palagi naman kaming lumalabas, nag-a-out time pa kami dati, mabait ang family niya, wala akong masabi.”

Happy si Yasser na siya ang itinambal sa nagbabalik-Kapuso, ang actress na si Claudine Barretto. Ginagampanan ni Yasser ang character ni Caloy, a determined young man who works his way to the top but will face a dilemma dahil mai-involve siya kay Via Laurente (Claudine), isang successful businesswoman who gets in an illicit affair with a younger man (Yasser).

Ang Lovers/Liars ay napapanood Mondays to Thursdays, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad after Love before Sunrise.

Richard, binabantayan ang wedding ring!

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin kung totoong hiwalay na nga ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati? Nadagdagan pa ang chika nang nagpagupit ng buhok si Sarah dahil ang ibig daw sabihin noon ay handa na siyang mag-move on sa kanyang pinagdaraanan ngayon, new hair, new life raw.

Pero hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang dalawang panig ng mag-asawang Richard at Sarah. At naniniwala pa rin ang fans sa kanila dahil suot-suot pa rin daw ni Richard ang kanyang wedding ring.

Natuwa rin ang fans nila nang makitang rumampa si Sarah sa isang fashion show at maraming nagdarasal na magkaroon pa siya ng ganoong projects soon.

 

vuukle comment

ELIJAH CANLAS

MAJA

MILES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with