^

Pang Movies

Paolo, inamin ang tunay na relasyon kina Yen at Arra!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Paolo, inamin ang tunay na relasyon kina Yen at Arra!                
Paolo at Arra

Inamin ni Paolo Contis sa Fast Talk with Boy Abunda ang nakikitang closeness nila ni Kapuso Sparkler actress na si Arra San Agustin, kung ano raw ang tunay nilang relasyon at kung sila pa rin ni Yen Santos? 

At sa segment ng show na Talk or Dare last Wednesday, Nov. 22, tinanong nga ni Boy kung ano ang real score dahil kumalat sa social media ang ilang video clip at photos nila ni Arra na nakikita ang sweetness nila.

Paliwanag ni Paolo: “’Yung kumakalat sa amin ni Arra, is an edited video of a portion sa Eat Bulaga and it was maliciously edited. It’s a skit ng love triangle ni Arra, ako at ni Candy, played by Betong Sumaya and they just keep posting the Arra side of it.”

Ayon pa kay Paolo, ang goal ng Eat bulaga ay magpasaya ng mga tao at nakikita umano ng publiko ngayon ang magandang samahan nila sa programa.

Sa tanong naman ni Boy kay Paolo na, “kayo pa ba ni Yen?”  mabilis na sagot ni Paolo ang “Yes.” 

Last January, 2023 pa kinumpirma ni Paolo ang tunay na relasyon nila na nakasama niya sa ginawa nilang movie noon na Faraway Land.

Marian, ‘di nakakaramdam ng pressure sa MMFF!

Dingdong Dantes and wife Marian Rivera ay may entry rin sa coming Metro Manila Film Festival sa December, ang Rewind na produced ng Star Cinema, APT Entertainment at Agosto Dos Media ni Dingdong. 

Natanong si Marian kung may pressure sa kanya na pawang mabibigat at magaganda ang mga pelikulang kasabayan nila, sagot niya, hindi raw niya tini­tingnan ang labanan. 

Natutuwa raw siya na bumabalik na muli ang mga ganitong klase ng mga pelikula.

Ang tangi raw lamang niyang hiling ganoon din ng mga may entry rin sa festival, ay panoorin at tangkilikin ng moviegoers ang 10 pelikulang kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival sa December.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with