^

Pang Movies

Iza, naiyak nang makita ang yosihan ng tatay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Iza, naiyak nang makita ang yosihan ng tatay
Boy Abunda at Iza Calzado

Ang ganda-ganda ni Iza Calzado nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda last Tuesday, November 14. Pagpasok pa lang ng studio, hindi na mapigilan ni Iza ang maiyak na after 12 years ay nakabalik siya sa Kapuso Network lalo pa at naalaala niya ang yumao niyang ama, ang actor/director na si Lito Calzado, na nagtrabaho roon.

“It’s nice to be back.  Hindi ko sukat akalain na mangyayari ito,” pagbati ni Iza.  “Can I just say, I’m like kinikilabutan at the moment.  Lalo nang makita ko ang gazebo, sa may canteen, dahil doon madalas si Daddy, naninigarilyo.  Actually, Tito Boy, akala ko I would be sentimental, of course sa pagbabalik ko.  Pero ang unang-unang naisip ko nun, kasi nagpa-picture ako roon sa may statue.  Tumingin ako sa gazebo, na-miss ko yung tatay ko. Kaya kung nakatrabaho ninyo siya, doon siya nakatambay, kaya I visualized him greeting me with the warmest smile” na maluha-luha sa naalaala. “Kaya nanatili akong nagmamahal at nagpapasalamat sa mga taong nakatrabaho niya, hindi ko sila nakakalimutan.”

Anyway, kasamang nag-guest ni Iza si Angel Guardian na siyang gaganap na Deia, ang tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin na siya ring ginampanan ni Iza noon sa Encantadia.

As Amihan, ipinagkatiwala raw niya kay Angel ang pangalan ng kanyang anak dahil naniniwala siyang kayang-kaya nitong gampanan ang role.  Nakita na raw niyang magtrabaho si Angel sa Shake, Rattle & Roll na magkasama sila sa mga eksena. 

Ayon naman kay Angel, pinag-pray niyang makasama sa Encantadia Chronicles: Sang’gre pero hindi niya hiningi.  But now, na siya ang gaganap sa role, nag-promise siya kay Iza na hindi niya sasayangin ang tiwalang ibinigay sa kanya nang pumayag itong gampanan niya ang role na gamit ang pangalan ng anak nitong si Deia.  Tanong pa rin kung magkakasama ba sina Iza at Angel sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre,” iyon daw ang aabangan.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with