Arci, nasalisihan sa eroplano!

Arci Munoz

Inirereklamo ni Arci Munoz ang kanyang hindi magandang experience sa eroplano kamakailan habang pauwi ng Pilipinas mula sa Japan.

Sa kanyang TikTok account ibinahagi ng aktres ang nangyari sa kanya sa pamamagitan ng kanyang video na may caption na “Horror story in the sky. @Korean Air hope to hear from you.”

Sa kwento ni Arci sa video, nasa business class daw siya ng airline at nagpapahinga sa kanyang cubicle nang maalimpungatan siya’t makitang may hindi kilalang lalaki na nakatayo sa harap niya.

“Nagising ako, naalimpungatan ako, may lalaking nakatayo sa cubicle ko, tapos kinukuha niya ‘yung magazine doon sa cubicle ko,” kwento ni Arci.

Lahat naman daw ng cubicles ay may magazines so, inisip na lang niya na baka walang magazine ‘yung guy na katulad ng nasa cubicle niya.

Mabuti na lang daw at tinanong siya ng isang babaeng pasahero kung kilala niya ‘yung guy at nang sinabi niyang “no” ay kinumpronta nito ang lalaki.

“She confronted the man, sabi niya, ‘why did you touch her bag?’ Ako naman, sabi ko, ‘bakit nawawala ‘yung bag ko?’ And then, I saw my bag on the floor near the aisle, eh sa window seat ako nakaupo,” patuloy ni Arci.

Hanggang sa tumawag na nga raw sila ng flight attendant para magreklamo. Pero itinanggi raw ng guy ang akusasyon na ginalaw ang kanyang bag.

Wala naman daw siyang napansing nawawala sa kanyang bag until after 2 days nang makatanggap siya ng notification from her bank na may gumagamit ng credit card niya sa Vietnam at sa Jakarta.

“So guys, I’m doing this video to warn you na there is a dangerous world out there and you can’t be really safe so you have to be really alert, you have to be careful of your things, mindful of your things,” babala ni Arci sa netizens.

Mabuti na lang daw at mabilis din ang kanyang banko na inalerto siya agad na may gumagamit ng kanyang credit card.

Nag-email na raw siya sa airline para ireklamo ang nangyari at nangako raw ang mga ito na iimbestigahan ang nangyari.

Sa huli, ani Arci, sana ay wala na raw maging biktima pa ng bagong modus na ito sa eroplano at sana raw ay gumawa ng aksyon ang nasabing airline para huwag na itong maulit pa. “So, please, I hope to hear from you. This has to stop, dapat wala nang mabiktima sa mga ganito,” panawagan pa niya sa airline company.

Donbelle, pinatunayan ang Lakas

Talagang pinatutunayan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano (DonBelle) ang lakas ng kanilang loveteam dahil no.1 pa rin ang serye nilang  Can’t Buy Me Love sa Top 10 TV shows ng Netflix Philippines.

Bukod dito, isa rin sa most watched series sa iWantTFC sa nakalipas na apat na linggo ang nasabing serye. Hindi rin nawawala sa Twitter trending topics at patuloy na pinag-uusapan ang serye gabi-gabi.

Show comments