^

Pang Movies

KC, hinihirit ni Sharon sa kanilang US tour

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
KC, hinihirit ni Sharon sa kanilang US tour
KC Concepcion

Balitang may balak ang Viva Films na gawan ng sequel ang pelikulang Maging Sino Ka Man na pinagbidahan noon nina Sharon Cuneta at Robin Padilla. 

Ayon kay Sharon, kinausap daw siya ni Boss Vic del Rosario na balak nilang gawin ang sequel nito.  Hindi pa raw naman ito confirmed pero isa raw ito sa nakaline-up nilang project sa 2024. 

Balita ring tuloy ang paggawa ni Sharon ng movie na katambal naman si Senator Bong Revilla.

Pero sa ngayon, hindi pa nga raw sure dahil sa busy schedule ni Sharon.  Hindi pa kasi tapos ang Dear Heart: Concert nila ni Gabby Concepcion sa Cebu this November.  Kaya hindi pa rin sure kung matutuloy ang U.S. tour nito.  Pinag-uusapan pa raw. 

Pero nagpahayag na si Sharon na kung matutuloy ang U.S. tour sana ay kasama nila ang anak nilang si KC Concepcion.

After nga ng Cebu concert, magiging busy na si Sharon sa pagpu-promote ng movie nila ni Alden Richards na Family of Two (A Mother and Son Story) para sa 49th Metro Manila Film Festival sa December na produced ng Cineko Productions. 

Sa lahat ng ito labis na grateful si Sharon sa fans na hindi nagsasawang ibigay ang suporta sa kanya sa nakalipas na panahon.

Carla, umaasa ng bonggang Christmas gift

Nagsimula nang mapanood si Carla Abellana sa GMA afternoon drama na Stolen Life na kasama pa ito sa contract niya sa GMA Network.  Kaya natanong si Carla sa mediacon nila kung may kasunod na bang offer ang network sa kanya? Wish nga raw ni Carla na hindi ang serye ang last niyang programa sa network, although hindi pa raw niya iniisip na iyon na ang last.

Sa ngayon kasi, managed na si Carla ng Triple A Productions ni Mike Tuviera at under negotiation pa sila with GMA.   Pero wish ni Carla ay ma-renew siya sa Kapuso Network at maayos na ito: “Siyempre po, maganda po ‘yung Pasko na maganda rin ang news.  Magandang Christmas gift po sa akin ‘yun pag naging okey po yung negotiations nila,” sabi ni Carla. “Pakiramdam ko naman po, hindi ito ang last, hindi lamang may kasunod, may mga magiging kasunod pa.  Iyon po ang hope ko.”

May nabalita noon na lilipat siya sa Kapamilya network at napag-usapan pang maggi-guest siya sa FPJ’s Batang Quiapo, pero wala raw siyang alam tungkol sa balitang iyon. 

Basta ngayon, wish ni Carla ay may ibibigay pang projects ang GMA-7 sa kanya dahil natapos na nila ang taping ng Stolen Life na pinagbibidahan nila nina Gabby Concepcion at Beauty Gonzalez, at napapanood daily at 3:20pm, after Abot-Kamay Na Pangarap.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with