Nadine, nahirapang pakawalan ang bahay!

Nadine
STAR/ File

Naibenta na ng aktres na si Nadine Samonte ang kanyang two-storey house sa Laguna.

Ito pala ang kanyang unang bahay sa Sta. Rosa, Laguna kaya nahirapan siyang pakawalan ito. Naging emosyonal siya nang ianunsyo na may nakabili na nito.

Bago nabili ang bahay ay ipinost niya sa social media ang kanyang property upang maghanap ng bibili nito.

Ibinenta niya ito sa maliit na halaga dahil wala naman daw nakatira roon pero nitong Oct. 12 ay nagbigay siya ng update at ibinahagi naibenta na niya ito.

Hindi naman masisisi ang StarStruck Avenger kung nahirapan siyang i-let go ang bahay dahil marami itong kalakip na memories at sa post niya na ipinakita ang larawan ng bahay na may nakalagay ‘sold’ ay nagpasalamat siya, “Thank you for the wonderful memories.”

Pero siguro nga ay hindi na kasya ang pamilya nila ng asawang si Richard Chua roon ngayong meron na silang tatlong anak kaya napilitan na rin siyang ibenta kesa naman walang gumagamit noon.

Show comments