^

Pang Movies

Sen. Chiz, nilinaw ang pagiging P.A. kay Heart   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sen. Chiz, nilinaw ang pagiging P.A. kay Heart          
Chiz at Heart

“Ako lang ‘yung alalay sa likod ng asawa ko,” sey ni Sen. Chiz Escudero tungkol sa naging pagdalo niya sa Paris Fashion Week kamakailan sa Paris kasama ang misis na si Heart Evangelista.

Sa panayam ni Karen Davila for Headstart isa sa natanong sa mister ni Heart ang tungkol nga sa malaking pagbabago sa kanya ngayon especially sa kanyang pananamit.

“You have netizens say there is ‘a new Chiz Escudero,’ right? I can’t resist. You’re out in fashion week more surprisingly, right? There are more photos of you everywhere and yet netizens also commenting, you look different. So ang tanong ngayon as being a senator and frankly, you being in the news all my life is, what’s happening Senator?” ang tanong ni Karen.

Paglilinaw ng Senador, hindi raw siya parte ng Paris Fashion Week at naroroon lang daw siya bilang alalay ni Heart. “I’m not part of fashion week, Karen. Ako lang ‘yung alalay sa likod ng asawa ko tuwing may fashion week at libre at bakante ako,” aniya.

“Ako ‘yung taga-laba, taga-luto, taga-linis, taga-tahi kapag may kailangan tahiin,” dagdag niya.

Aminado naman siyang umaawra-awra rin siya pero ‘yun ay dahil napipilit siya. “Minsan lang umaawra-awra, pero hindi palagi ‘yon. Nakukumbinse lang at napi­pilit,” he said.

Sa mga papuri namang natatanggap niya that he’s looking good, ayon sa Senador ay mas concern niya ang good health and longevity.

“In so far as the others are concerned, well Karen, like you tumatanda tayo and our objective should be longevity, not really to look good or be good but be healthy, to preserve and have longevity. Longevity should be the objective, Karen,” paliwanag ng mister ni Heart.

Yassi, iniyakan ang proposal ng ex

Kung kelan naman sila umamin sa hiwalayan, saka biglang lumabas ang engagement video nina Yassi Pressman and ex-boyfriend Jon Semira.

Kalat na kalat ngayon sa online ang nasabing video na in-upload ng Notion in Motion na siyang nag-cover ng proposal and engagement nina Yassi and Jon.

In fairness, ang bongga ng proposal ni Jon na ginanap sa isang farm sa Bataan na sa tantiya namin ay last year pa.

Ayon kasi kay Jon sa video, nag-meet daw sila ni Yassi noong taong 2017 sa Toronto and it was love at first sight.

“Me and Yas have been together for a bit over five years now. We met in Toronto. Yeah, it was love at first sight, to be honest,“ sey ni Jon.

So, we’re assuming na 2022 naganap ang proposal since that time ay five years na sila.

Ayon pa kay Jon, taong 2018 daw nang mag-move in siya for good sa Pilipinas para kay Yassi.

Mapapanood din sa video ang pagluhod ni Jon hawak ang engagement ring and asked, “will you marry me?” habang umiiyak si Yassi.

Ang ganda ng engagement nina Yassi and Jon sa true lang at nalungkot nga ang netizens na nakapanood ng video na humantong sa hiwalayan ang dalawa. Everybody’s wondering what went wrong at ang daming nanghinayang sa relasyon.

Matatandaang inanunsyo few days ago nina Yassi and Jon na medyo matagal-tagal na silang hiwalay. Kung kelan eksakto ang breakup ay hindi na nila sinabi pa.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with