^

Pang Movies

Joey, may pasaring kay Isko!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Isinumbong kay Joey de Leon ang isa sa host ng isang TV show na tinanong daw ang guest nito sa show tungkol sa former Eat Bulaga host na may attitude raw. Si Joey raw ang tinukoy ng guest at ng host, kaya tanong sa kanya ng kanyang fans at viewers ng E.A.T kung nagkaisyu ba sila ng host at guest sa show nito na isang singer?

Ang alibi raw ng host, ang writer ng kanyang show ang may tanong pero dapat daw alam ng host kung tama ang itatanong niya lalo ngayon na mainit ang usapin ng Eat Bulaga ng TAPE Inc., at ng E.A.T.

Hindi pa niya sinasagot ang tanong ng followers niya sa Instagram, may mga isyu pa raw itong mas binibigyan ng priority. Isa na rito ang pagse-shade raw ni Joey kay Isko Moreno at sinabing mas magaling na mayor si Jose Manalo kesa ibang mayor.

Para naman sa ibang nakapanood, nagbibiro lang si Joey at sana raw hindi na lumaki ang isyu para matigil na ang isyu sa dalawang shows.

Pero malabong matigil ang isyu sa dalawang shows dahil may may demanda pa sa pagitan ng TVJ at TAPE Inc.

Libro ni Pia, pinasilip

May pasilip si Pia Wurtzbach sa cover ng kanyang first-ever novel na may title na Queen of the Universe: A Novel: Love, Truth, Beauty. Sa kanyang Instagram, nag-post siya ng photos niya hawak ang kanyang libro.

“Oh by the way, here’s my book cover and I can’t wait for you to meet Cleo, the main character in  my book. Stay tuned for launch and book signing schedules. I’ll be touring to meet you all!”

Ang daming nag-congratulate kay Pia at mukhang magiging best seller ang kanyang book sa rami ng interesado, inquiries at ngayon pa lang, pati book signing, gusto nang malaman.

Kabilang sina Iza Calzado at Chynna Ortaleza at kapwa beauty queens na sina Olivia Jordan, Iris Mittenaere, Gazini Ganados, sa mga gustong magkaroon ng copy at mabasa ito.

Joshua Dionisio, balik-Kapuso

Nagbabalik-Kapuso ang aktor na si Joshua Dionisio at mapapanood siya sa Black Rider. Sa primetime slot ilalagay ang nasabing series, kaya maganda ang kanyang pagbabalik.

Matagal ding nawala sa GMA si Joshua at sa Net25 daw ito may show, mabuti at balik-GMA na siya at dahil hindi makalimutan ang love team nila ni Barbie Forteza, may mga nagre-request na muli silang pagtambalin.

Kaya lang, may mga project pa si Barbie with David Licauco, tila matagal pa bago sila pagsamahin ni Joshua. Unless, isama si Joshua sa cast ng Pulang Araw nina Barbie at David. 

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with