^

Pang Movies

TVJ, sa July pa mapapanood sa TV5

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nagkalat na sa social media na sa TV5 na ang bagong tahanan nina Tito, Vic and Joey at OG Dabarkads na lumayas sa Eat Bulaga!

Pero as of this writing, wala pang official announcement ang TVJ bagama’t may mga pahayag na si former Sen. Tito Sotto.

Nakita rin namin ang post ni Maine Mendoza sa bagong bahay at ma­ging si Jane Basas na presidente ng TV5 ay meron ding post sa FB.

By July raw magsisimula ang show sa TV5 ng TVJ and company. Ito ba ang dahilan kung bakit may replays na napapanood sa It’s Showtime?

Pero ayon sa source namin, hindi agad bonggang-bongga ang mga episode na ipalalabas lalo na’t walang malaking studio ang TV5 na sakto sa mga pasabog ng show.

Mamimigay lang muna ng pera ang show via call and zoom. Kung dadalhin sa TV5 ang Bawal Judgmental, Pinoy Henyo at dating segments ng Eat Bulaga eh abangers tayo.

Basta ang Eat Bulaga sa GMA. Napanood naming P20K ang pinakamalaking pera na pinamimigay, huh!

Marian, tuloy sa Against...

Wala nang urungan ang paggawa ng TV series ni Ma­rian Rivera matapos ang limang taon! Dumalo na si Marian sa story conference ng series niyang Against All Odds na si Gabby Concepcion ang makakapareha.

Eh nag-usap na rin naman sila ng asawang Dingdong Dantes tungkol dito at kung sakaling kapwa sila may trabaho, ang mga nanay nila ang mag-aalaga sa mga anak.

Sa balita sa 24 Oras, dual role ang character ni Marian sa Against All Odds at gusto man niyang huwag munang magtrabaho sa series, wala siyang magagawa dahil contract artist siya ng GMA.

vuukle comment

TVJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with