^

Pang Movies

Ruru, maganda ang karanasan kay Bianca

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ruru, maganda ang karanasan kay Bianca
Ruru
STAR / File

Ang sweet naman ni Ruru Madrid sa girlfriend at ka-loveteam na si Bianca Umali. Gusto raw niya ulit itong makatrabaho ngayong tapos na ang serye nilang The Write One.

Iyon ang naging unang on-screen tambalan ng real life Kapuso couple.

Todo ang pasasalamat ng aktor sa girlfriend ngayong matagumpay ang naging pagtatapos ng serye nila. Binigyan niya ito ng mensahe.

“I hope this is not the last time na makaka trabaho kita dahil sobrang dami ko natututunan sayo. Dahil sa show na ito lalo kita naging “Crush” I will support you sa lahat ng projects na gagawin mo, kasama mo man ako o hindi ako pa rin ang number 1 fan mo. ILYSM ,” sey ni Ruru sa kanyang post sa social media.

Maganda ang naging experience ni Ruru sa tambalan nila kaya nais niya raw muling ma­ging co-star si Bianca.

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga tao sa likod ng The Write One. Pati ang kanilang fans ay ‘di niya nakalimutang i-special shoutout na sumuporta sa show at sa kanila ni Bianca.

Siguradong excited ang fans sa muli nilang pagtatambal kung meron man.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with