^

Pang Movies

Dingdong, tuhog ang trabaho!  

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

New look si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, para sa bago niyang murder mystery drama series sa GMA Network, ang Royal Blood. Iniba ang hairstyle niya, para sa role niyang isang delivery rider at single father to his cute daughter. First time niyang makakatambal si former Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo, with Megan Young, Mikael Daez, Rhian Ramos, Lianne Valentin, Dion Ignacio, Divine Tetay, Benjie Paras, Arthur Solinap, John Feir at Tirso Cruz III, under the direction of Dominic Zapata.

Natanong sa Chika Minute ng 24 Oras si Dingdong, paano raw ang kanyang game show na Family Feud at ang bago niyang hosting job para sa The Voice Generation? “May kani-kaniyang araw kami ng taping ng tatlong shows, huwag silang mag-alaala, mananatili iyon at madadagdagan pa,” sagot ni Dingdong.

“Nakapahinga naman kami ng family ko noong Holy Week, hindi kami nakisabay umalis, nag-stay lamang kami sa bahay at nag-enjoy kaming makalaro ang mga anak namin.”

Ruru at Bianca, bibiyahe sa Paris

Paris-bound pala ang mag-sweetheart na sina Ruru Madrid at Bianca Umali, para mag-shoot ng ilang eksena para sa The Write One teleserye ng GMA Public Affairs na kasalukuyan nang napapanood gabi-gabi.

Pero bago umalis ang dalawa, nag-organize muna sila ng isang thanksgiving party para sa cast at production staff. Pasasalamat daw nila ito sa mataas na rating na natatanggap nila gabi-gabi at sa pagsisikap ng production staff na mabigyan ang mga manonood ng isang maganda at naiibang serye. Dumalo rin ang co-stars nila, ang lovers na sina Mikee Quintos at Paul Salas, Ramon Christopher, Kokoy de Santos, at iba pa.

Winwyn, ayaw nang alalahanin ang nakaraan!

Nilinaw na ni Kapuso actress Winwyn Marquez sa Fast Talk with Boy Abunda ang issue tungkol sa paghihiwalay nila noon ni Mark Herras at ang sabi raw ni Alden Richards na muntik nang maging sila. Ayon kay Winwyn, mutual decision daw nila ni Mark na maghiwalay na, walang third party sa relasyon nila noon. 

‘Yung muntik nang maging sila ni Alden, hindi raw niya alam na nanligaw ang actor sa kanya, basta ang alam niya, Alden is really kind, malambing at feel niyang ganoon talaga ang ugali nito kahit kanino. “I don’t want to dwell on the past because kahit anong ibig sabihin, I’m so proud of him and we remain good friends.”

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with