^

Pang Movies

Lovi, parang pumanaw ang tarpaulin!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Lovi, parang pumanaw ang tarpaulin!
Lovi Poe
STAR/File

Karamihan sa nag-comment sa Instagram post ni Lovi Poe ng tarpaulin ng photo niya at pangalan ng karakter niya sa Batang Quiapo ay may kasunod na laugh emojis. Ang caption kasi ni Lovi sa post ay “@pingmedina, birthday ko kasi di ba? Bakit naman parang kukunin ako ni Lord nito? Sa langit ba debut ko? LOL #FPJsBatangQuiapo.”

Tama naman si Lovi dahil parang sa pumanaw ang tarpaulin at may clouds at doves na kasama sa photos. Nagtawanan pa ang friends ni Lovi sa comment ni Ping na “Maligayang 40th day Mokang,” may nag-comment tuloy na “parang death anniversary” at sinundan pa ng comment na “parang may lamay.”

Kaya ang saya-saya basahin ng mga comment sa post na ito ni Lovi at nakakatuwang game naman si Lovi na sagutin ang comments ng kanyang mga kaibigan. Ang nakatutuwa pa, tila may gagaya sa birthday greetings kay Mokang ng mga kasama niya sa Batang Quiapo.

Hindi pa nagpo-post si Lovi ng bagong tarpaulin para sa birthday ng karakter niya at ang ibig sabihin lang nito, tuloy ang taping gamit ang nakaaaliw na tarpaulin. Marami rin ang nag-like sa post na ito ni Lovi at siguradong ‘yung mga nag-like at hindi nag-comment ay natawa rin.

Mga hurado, magbabakbakan

May teaser post na para sa bagong talent competition ng GMA 7 na Battle of the Judges. Walang ibang sinabi sa teaser post, kundi ang logo ng show at nasa likod nito ang malaking star.

Nakasulat din sa tagline ang “Hurado sa Hurado!” at ang maglalaban-laban dito ay ang judges sa mga singing competition ng GMA 7 at iba pang shows siguro na may mga hurado.

Pinagtalunan ng netizens kung original concept ba ng GMA ang competition o spin-off ng ibang competition. Nakalagay na pala sa website ng GMA na spin-off ito ng Got Talent: Battle of the Judges.

Baby Peanut nina Jessy at Luis, pinagtalunan ang kamukha

Three months na ang baby nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Baby Peanut at binati siya ng kanyang mga magulang. Si Luis, three solo photos ng anak ang pinost sa Instagram at may caption na “Happy 3rd month to the biggest blessing in our lives, our little Peanut. @jessymendiola and i love you @isabellarosemanzano.”

Jessy posted the same photos na pinost ni Luis pero ang caption niya ay “Happy 3 months, our little Rosie. We love you SOOOOOO SOOOO MUCH.”

Sa IG ni Luis, isyu sa kanyang followers kung sino ang kamukha ng baby? May nagsabing ang lola nitong si Vilma Santos ang mas kamukha, may nag-insist na si Luis ang kamukha at may nagsabi namang hawig ni Ryan Recto, ang kapatid ni Luis at may mga nag-agree sa kanya.

Walang nag-comment na kamukha ni Jessy si Baby Peanut, pero sabi ng netizens, nagbabago pa ang mukha ng mga baby at baka sa 4th month o 5th month ni Baby Peanut, si Jessy na ang kamukha.

vuukle comment

ACTRESS

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with