^

Pang Movies

Gerald, Kim, Maja, nadawit sa issue kina James, Nadine, at Issa!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Gerald, Kim, Maja, nadawit sa issue kina James, Nadine, at Issa!              
Maja

Dahil sa issue nina James Reid at Issa Pressman, muli tuloy naungkat ang nangyari noon kina Gerald Anderson, Kim Chiu, at Maja Salvador na halos nasa parehong sitwasyon.

BFF din noon sina Kim at Maja pero nag-away ang dalawa dahil nakipagrelasyon ang huli kay Gerald.

Sa tweet ng author / writer ng ilang pelikula na si Noreen Capili ay ni-recall niya ang nangyari noon kina Kim, Gerald, and Maja at sinabing hindi raw talaga dapat na dyinodyowa mo ang ex ng iyong kaibigan.

“ Team Kim talaga ako noong naging si Ge at Maja eh. You shouldn’t date your friend’s ex. Lalo na kung close kayo,” tweet ni Noreen.

Aniya pa, bagama’t matagal na raw nangyari ‘yun, hindi na raw bumalik sa dati ang pagkakaibigan nina Maja at Kim.

“Tagal na noon, lahat sila, nasa mga tamang tao na. Kaso yung friendship ni Kim at Maja, di na bumalik sa dati. Mema na naman ako sa issue,” aniya.

Actually, true naman na hindi na talaga bumalik ang dating friendship nina Maja at Kim. Kahit pa sabihing nagkaayos at nagkapatawaran na sila, may lamat na ang kanilang pagkakaibigan at kung baga, mahirap nang mabalik pang muli sa dati.

Speaking of Gerald, idineklara na ng aktor na si Julia Barretto na talaga ang babaeng pakakasalan niya.

Sa panayam kay Gerald sa Korina Interviews ng Net25, tinanong ng host na si Korina Sanchez ang aktor kung kaylan sila ikakasal.

“Everything na ginagawa ko ngayon is because of alam ko naman na malapit na ‘yun, eh. ‘Di ba? Kung baga, hindi naman ako ‘yung 25-year old na ‘hindi, trabaho muna ‘ko, career muna.’

“You know, honestly, genuinely, lahat ng ginagawa ko sa career ko, sa showbusiness, sa pagiging businessman, is leading up to that point,” pahayag ni Gerald.

Tanong ni Korina, “so, it’s gonna be Julia, you think?”

Natawa si Gerald at saka diretsong sumagot ng “siya talaga.”

Paliwanag ng aktor, “alam mo, you just know. Alam mo lang, eh. You feel na may nagbabago sa ‘yo. You feel na nag-iiba rin ‘yung or mas. . .nag-iba ‘yung priorities mo or mas naging malinaw sa ‘yo ‘yung priorities mo.

“’Yun, alam mo ‘yung kasabihan na ano, ‘you just know.’ Ang hirap mag-explain, eh. Iba ‘yung feel.”

Nagbiro si Korina na baka raw magulat si Julia na parang nag-propose na si Gerald on national television.

“Nag-propose ka na on the set. That sounded like a proposal to me,” sabi ni Korina.

When asked kung engaged na sila, sey ni Gerald, “hindi po, I wouldn’t ano. . .”

Nagbiro na naman si Korina na maghanda na si Gerald ng ring dahil parang nag-propose na rin ito ng lagay na ‘yun.

“Pinag-iipunan pa niya, kailangan pang kumita ng gym,” biro pa ni Korina.

Agree naman si Gerald at aniya, “yes, kailangan pang dumami nito” na ang ibig sabihin ay ang bagong-tatag na gym niya.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with