^

Pang Movies

Sen. Bong, inayudahan ang mga apektado ng oil spill!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sen. Bong, inayudahan ang mga apektado ng oil spill!
Sen. Bong Revilla

Ang bongga naman ni Sen. Bong Revilla. Mabilis ang pag-ak­syon niya sa nangyayaring oil spill sa Oriental Mindoro. Nagpadala agad ito ng tulong sa mga apektado nito sa mga bayan ng Bulalacao, Roxas at Pinamalayan.

“Sobrang nakakalungkot po ang kasalukuyang nangyayaring oil spill sa Mindoro. Mahirap lang po makita na hindi lang kalikasan ang apektado, kundi buhay niyo ring mga kababayan ko. Dahil sa nangyaring sakuna na ito, hindi makapalaot ang ating mga mangingisda dahil wala namang isda na mahuhuling ligtas para kainin. Sobrang laki ng pinsala nito sa buhay ng mga taga-Oriental Mindoro,” pahayag ni Sen. Bong.

Hindi biro ang pinagdadaanan ngayon ng mga pamilyang nakatira doon. Kaya laking pasasalamat nila sa pagtulong ng senador na personal na inabot ang cash assistance at food packs. At hindi pa doon nagtatapos ang pagtulong nito dahil sisiguruhin daw niyang mananagot ang dapat managot.

“Kakayanin natin ang pagsubok na ito. Muling tayong babangon. Ang importante ay buhay tayo, kasama ng ating mga pamilya. Iyan ang pinaka-importante. Sisiguruhin rin natin na mananagot ang dapat managot at tuluy-tuloy ang pagsasagip sa ating karagatan.”

Pinuntahan din nito ang iba pang bayan na apektado ng oil spill at personal na nag-abot ng ayuda. Salute.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with