^

Pang Movies

Sunshine at mga anak, patalbugan ng kaseksihan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sunshine at mga anak, patalbugan ng kaseksihan!

Ang daming pumuso sa post ni Sunshine Cruz na kasama ang tatlong anak.

Sibling goals daw sila. Na patalbugan ng kaseksihan.

At para nga namang magkakapatid lang sila.

Lahat sila naka-black down at dolled-up.

Eh si Sunshine pa naman parang kaedad lang din nila.

Nag-attend sila sa isang party.

Si Cesar Montano ang ama ng tatlong anak ng aktres – Angelina, Sam and Angel.

Napuri si Sunshine na naalagaan daw niya ang mga anak.

Marian, nagbago ng circle of friends!

 Parang nag-uumpisa ulit mangolekta ng Hermes bag si Marian Rivera.

Dalawang magkasunod na Birkin bag ang ipinost niya sa social media accounts niya, appreciation post para sa mga seller na nag-source ng nasabing bag na mga limitid edition.

Dati nang may mga Hermes si Marian pero mukhang nagbabago siya ng collection.

Lately ay pulos pang-’madam’ ang post ni Yanyan.

Lalo na nga at ang circle of friends niya raw ngayon ay hindi na masyadong showbiz.

Mga member ng high society kaya nagiging visible siya sa mga lifestyle event.

Samantala, nag-shoutout si Dingdong Dantes sa kanilang fans club na DongYanatics.

Sila ang talagang masisipag at active sa social media na fans ng mag-asawa.

‘Pag may nag-post about them, ayan na agad sila para mag-repost o mag-like.

Kaya suwerte sina Marian at Dingdong na may ganun sila kasipag na fans.

Sa shoutout ng actor, 15 years na pala silang loyal sa kanila.

“This year marks the 15th anniversary of @thedongyanatics !

“We can hardly believe it’s been 15 years since we first met this amazing group. They’ve been with us through thick and thin, and have seen us grow from a loveteam in MariMar to a married couple with kids.

“But more than that, they’ve become our dear friends and confidants, who’ve supported us not just on screen but in our personal lives as well. We’re truly blessed to have them in our lives.

“So on this special occasion, we want to give a shoutout to all the members— past and present— who’ve made DongYanatics what it is today. Your love and loyalty mean the world to us,” post ng actor na may gagawin palang teleserye sa GMA 7.

Anyway, ang sabi magso-shooting na rin sila ni Marian ng movie for Metro Manila Film Festival.

Nauna na itong nabanggit noon ng kampo ni Marian na malamang daw ay maging co-producer din ang mag-asawa.

Light comedy ang iniisip nila noong story na mas bagay sa mag-asawa.

Mas bongga pa ‘yung kung isasama nila ang mga anak na sina Zia and Sixto na parang walang magi­ging adjustment ‘pag gumawa ng pelikula.

Iza, nag-sorry kay Nadine sa pang-aagaw kay James!

Biglang nag-viral ang isang video nina Iza Calzado na kausap si Nadine Lustre sa isang zoom meeting with Tim Yap and Divine Lee.

In the middle of their discussion ay nag-dialogue si Iza ng “Wait lang - sorry Tim - bago tayo mag-seryoso ha, uhm, may gusto lang akong i-address dito.

“Klaro ko lang ha. Let’s just get the elephant in the room, like, just out of the way.

“Nadine I’m sorry, I’m sorry for stealing James. Charrrr.”

Sumagot kunyari si Nadine : “ Wrong Iza, wrong Iza.”

At nagtawanan sila.

Ito ay matapos ngang maglabas ng statement si James Reid na sagot sa persistent rumor na sila na nga pagkatapos na mag-post si Issa Pressman ng holding hands photo nila.

Ang bintang ng ibang JaDine fans, matagal na sina James and Issa at nabiktima ng ghosting si Nadine.

Meron na raw silang kissing photos noon pa kahit ang alam ng lahat ay BFF ni Nadine ang sister ni Issa na si Yassi Pressman.

 Nagre-react ngayon ang fans na as if kahapon lang nag-split sina Nadine and James.

Anyway, maligaya ngayon si Nadine sa karelasyong si Christopher Bariou at tila walang pakialam sa kaguluhan ng ex at Issa na sa totoo lang ay sa social media lang din may career.

Saka kung sila ni Issa, ano kayang big deal dun?

 Mas bongga siguro kung may teleserye sina James and Issa.

Nabuhay naman ang career ni Nadine nang bumalik siya sa Viva.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with