^

Pang Movies

Yassi, pinagtanggol si Issa sa pagsuway sa girl code!

Dianne Canlas - Pang-masa
Yassi, pinagtanggol si Issa sa pagsuway sa girl code!
Yassi at Issa

MANILA, Philippines — Sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng kapatid na si Issa Pressman, nag-tweet ang aktres na si Yassi Pressman na tila depensa sa kapatid na kasalukuyang nauugnay sa aktor na si James Reid.

“just don’t agree with people making fake conspiracies only to hurt other people. lets stop being only opinionated, but try harder to be educated with facts. ‘cause if the words you threw around were tattooed on you, would you walk around proud. samesame #thinkbeforeyouclick”

Kinondena ito ng fans dahil ani nila ay wala man lang delicadeza ang kapatid nito kung saan jinowa ang ex ng kaibigan niyang si Nadine. Hindi man lang daw nito naisip ang Girl Code na hindi dapat ginagawang karelasyon ang ex ng kaibigan, at tinawag pa ng kung anu-anong hindi magandang salita si Issa.

Na-bash ang dalawa matapos nilang mag-post noong March 16, Thursday, ng kanilang mga litrato sa concert ni Harry Styles na ginanap sa Philippine Arena. Para sa fans ay tila isa itong soft launch o paglantad ng kanilang relasyon.

Inulan naman ng kanegahan ang dalawa kung saan inakusahang third party si Issa ng kanilang relasyon noon ni Nadine Lustre.

Itinanggi nila ito noon at nag-post pa si Yassi noong 2020 ng kanilang litrato ni Nadine na may caption na, “Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo. Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya.
“this was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements. Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then.... they started getting out of hand, at di na yun tama..”

Nag-post din si James kung saan inamin niyang masaya siya sa kung anong meron sila ni Issa na mas ikinagalit ang fans. Tila naging kumpirmas­yon daw ito ng panloloko niya noon kay Nadine.

Tahimik lamang si Nadine sa kasalukuyan at walang nilalabas na pahayag.Kasalukuyang karelasyon nito ang French businessman na si Christophe Bariou.

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with