‘Salamat’

Lolit Solis, Glydel Mercado at Tonton Gutierrez
STAR/File

Katuwa Salve na feel na feel ko iyon pag-aalaga sa akin ng lahat ng medical staff ng FEU Hospital Fairview.

Bukod sa malapit sa bahay ko, ewan ko ba kung bakit type ko ang aura ng FEU Hospital. Parang lahat ng tao, friendly.

Parang once na nasa loob ka nito, safe na safe na ang pakiramram. Bukod sa medical team ko na sila Drs. Munoz, Linga, at Evangelista, pati mga nurse na nag-aalaga sa akin dun na sila Monique feeling ko talagang nasa safe-hands ako.

Dapat kasi ganun ang atmosphere pag meron kang sakit. Dapat complete ang trust mo sa mga taong nag-aalaga sa iyo, at iyon exactly ang feeling ko sa loob ng FEU Hospital.

I want to thank all my doctors and lahat ng medical staff ng hospital.

Thank you for taking good care of me, forever grateful and thankful.

Special thanks to Dr. Mora na talagang laging pinalalakas ang loob ko.

Hay sana gumaling na ako noh. Siyempre gusto ko rin namang gumaling at maka-travel ulit.

Hahaha. Naku sa ilusyon.

Bawal na dahil sa dialysis na twice a week.

Hindi pwedeng mag-absent sa dialysis basta schedule mo. Kaya tinago ko na ang passport ko.

Sad. Pero ok naman. Na-enjoy ko na ang pagbiyahe noh.

Show comments