Production staff, namomroblema sa female lead na nagkaproblema ang retokadong boobs

Problemado ang production staff ng isang TV series na ginagawa ngayon.

Eh ang female lead kasi nito, aksidenteng nabangga ang boobs habang nasa set, huh!

Sumakit daw ang boobs ng female lead dahil sa aksidenteng ‘yon at hindi niya matiis ang sakit nito!

Retokado kasi ang boobs ng female star na kailangan niyang gawin para maging maayos ang dating nito pagsali sa isang beauty pageant.

Nagbunga naman ang mga hirap sa showbiz nung simula ng female star. Nagkaroon ng series na siya ng lead.

‘Yun nga lang, wala pang katiyakan kung kailan mababalik sa dati ang boobs na nabugbog dahil sa aksidenteng ‘yon at kung kailan magre-resume ang taping ng series.

Liza, umingay sa lie detector

Nag-ingay na naman si Liza Soberano. This time, sa lie detector challenge sa vlog ni Bea Alonzo.

Tagumpay naman nag-trending si Liza lalo na’t ang pinakawalan niyang pahayag ay ang tungkol sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na highest grossing local film.

Pero ang duda ng entertainment media sa pag-iingay ni Liza eh may kinalaman ito sa bago niyang endorsement kamakailan, huh!

Parang orchestrated daw ang pag-iingay ni Liza para maging maingay rin ang bago niyang endorsement kahit na nga sinasabihan siyang walang utang na loob, huh!

Hay naku, doon ka na lang sa ibang bansa mag-ingay! Marami kang kapalit dito!

Show comments