^

Pang Movies

Bela, itinangging ayaw na sa Pilipinas

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bela, itinangging ayaw na sa Pilipinas
Bela

Hindi pala totoo na binalak nang lisanin ni Bela Padilla ang Pilipinas. Nilinaw niya ang rason kung bakit napili niyang tumira sa London kasama ang kanyang pamilya.

Ibinahagi niya na umalis siya papunta doon nang magpandemya. Aniya naghanap daw siya ng lugar kung saan siya magiging komportable at ‘at home’ kung saan hindi niya nadama dito ng mga oras nga ‘yon kaya siya umalis.

Wala na raw mahabang explanation at itinanggi na pangmatagalan na ang pag-alis niya at wala nang balak bumalik.

“Parang ‘yun lang wala siyang big explanation, wala siyang big meaning o deep meaning na parang aalis na ako, iiwan ko na kayo, wala akong pinag-isipan na ganun,” sey niya.

Nabanggit din niya na nagtayo siya ng film company sa United Kingdom pero bumabalik din siya dito tuwing may trabaho siya.

“Right now I’m based in London. I associate myself living in London pero siyempre dahil isa akong artista, nag-uumpisa na ako ngayong mag-direct ng pelikula, I built my own production house, I have a film company in UK, I still love working with people I know siyempre kasi dito tayo sanay e,” ani Bela.

“So umuuwi ako dito kapag kailangan kong mag-shoot ng pelikula,” pahayag niya.

Kaya hindi na malulungkot ang fans na akala ay tuluyan niya nang lilisanin ang ‘Pinas. Bongga.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with