^

Pang Movies

Barbie at David, tuloy ang ligaya   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Barbie at David, tuloy ang ligaya            
Barbie at David

Tinupad pala ng GMA ang pangako nila sa fans ng breakout loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco na bibigyan sila ng bagong project pagkatapos ng hit primetime series na Maria Clara at Ibarra. GMA has just confirmed na with the finale of the series, kagabi, Feb. 24, Barbie and David will again be reunited in the award-winning children’s fantasy show Daig Kayo Ng Lola Ko.

Nag-release na rin sila ng behind-the-scenes photo of David and Barbie.

Kaya ang fans nag-post na rin in their respective social media pages to share their excitement about the big announcement.

Sanya, pinaghirapan ang ABS sa Urduja!

Excited na si Sparkle actress Sanya Lopez sa muli niyang paggawa ng action project sa GMA Network. Sa interview kay Sanya sa Chika Minute ng 24 Oras inamin niyang na-miss na niya ang paggawa ng action projects. “Kasi parang after nga po ng Encantadia, more on drama na ‘yung ginawa ko, then ‘yung dalawang seasons ng First Yaya at First Lady, normal na tao ang characters ko. So, ngayon kahit paano meron na ulit akong ginagawang action series. Hindi rin biro ang mga ginawa kong paghahanda para sa Mga Lihim ni Urduja na I’m playing the role of Hara Urduja. Kinailangan kong mag-workout ulit para magkaroon ako ng abs, na-miss daw nila ang abs ko sa Encantadia. Medyo nahirapan ko siya ibalik,” natatawang kuwento ni Sanya.

Ipinakita na ang teaser ng Mga Lihim ni Urduja at kitang-kita ngang bumalik na ang abs ni Sanya bilang si Hara Urduja. Pero hindi lamang nag-workout si Sanya for her role, dahil sumabak din siya sa training para sa intense scenes ng pakikipaglaban niya sa mga kasama niya sa action serye, like nina Zoren Legaspi, Vin Abrenica, Jeric Gonzlaes, Kristoffer Martin, even sina Arra San Agustin at Michelle Dee na sumabak na rin ngayon sa action scenes.

Sa Monday, Feb. 27, Mga Lihim ni Urduja, 8 p.m. after 24 Oras sa GMA 7.

Ken, ‘di pinili ng tatay

Maraming humanga kay Sparkle actor Ken Chan sa pag-amin niya sa Fast Talk with Boy Abunda, na pang-lima lamang sila sa mga family ng father niya. Nang tanungin niya ang father niya kung sino ang pipiliin nito sa kanila, hindi sila ang pinili kundi iyong nauna sa kanila.

Pero hindi raw siya nagtanim ng sama ng loob sa ama, sa halip, nagpasalamat siya na marami pala siyang kapatid, at kung meron man siyang tanong, lumalapit siya sa Diyos at ito raw ang nagpapatatag ng loob niya, para buhayin niya ngayon ang kanyang pamilya.

Sa ngayon, bukod sa showbiz, may mga business din si Ken.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with