‘Strong’ statement ni Derek sa anniversary nila ni Ellen, kinontra ng followers

Ellen at Derek

Kinontra ng ibang followers ni Derek Ramsay ang caption niyang “2 years strong with my X girlfriend. Dai @maria.elena.adarna pls Marry me again!”

Say ng iba, masyado pang hilaw ang dalawang taon sa isang mag-asawa, kumbaga raw ay bubot pa.

“2 yrs isn’t that “strong”... its still considered the honeymoon phase.

“If you pass the 7-10 yrs probably!” dalawa sa mga nag-comment.

Hindi pa raw ito masasabing forever.

Well, Diyos lang ang nakakaalam kung pang-forever na ang pagsasama nina Derek at Ellen though may mga sign ng matibay ang kanilang relasyon.

Willie, ‘di nakakuha ang simpatya ng madla?!

Maraming netizens ang bumuwelta sa mga hanash ni Willie Revilla pagka-tsugi sa ere ang kanyang programa sa ALLTV.

Kasama nga sa mahaba nitong litanya ang “Eh, parang natutuwa pa kayo na mawawala mga programa na nagbibigay ng saya at tulong. Sana hindi ganu’n ‘di ba?”

Ipinaalala ng netizens na nung nagsara ang ABS-CBN ay pinagtawanan nila ni former Presidential Spokesperson Harry Roque - sabay kalat ng nasabing episode ng programa ni Willie.

Ngayon daw asan si Harry Roque, kulelat nang mag-senador at ang TV host cancelled ang programa dahil siya mismo ang nagsabi na wala pa silang commercial. 

Hirit pa ng ibang twitter user, asan na ang mga pinagmamalaki niyang mga sponsor noon.

Empleyado ng NAIA, ikinahiya ng fans ng sikat na K-pop group

Hindi napigilan ng isang employee ng NAIA na nasa security screening area ang kilig sa grupong ENHYPEN.

Ang ending, asa hot water siya ngayon.

Makikita sa kumalat na video sa Tiktok ang isang babaeng empleyado sa NAIA na kinakapkapan ang mga miyembro ng Korean boy band at sinasabi sa kanila na ibaba ang kanilang mga face mask.

Ang pangangapkap ay SOP sa security screening sa airport.

Pero kilig na kilig si ate at tumitingin sa camera.

Agad nagpa-react ang ibang fans ng grupo na hiyang-hiya sa ginawa ng babae at may nag-tweet ng “nakakahiya maging pilipino kung ganto lang gagawin niyo. proper work ethics where? professionalism where? bakit ganto mga staffs niyo? bakit ganyan yung nagiinspect why is she smiling like that? is that how is it really supposed to be done? no right :))”

Dahil dun ay nag-trend ang #Nakakahiya.

Ganundin ang #MIAAdoBetter.

Katatapos lang ng three-night concert extravaganza ng ENHYPEN para sa kanilang unang world tour na Manifesto dito sa Manila na originally ay two nights lang pero naging tatlong gabi dahil ang bilis daw na-soldout.

Lumipad pa-Korea ang grupo pagkatapos ng concert.

Anyway, ang susunod na tiyak na dudumugin ng fans ay ang concert ng Blackpink sa March 25 and 26 sa Philippine Arena.

Gigi De Lana, sasabak sa intimate concert

Magpapasiklab si Gigi De Lana at ang The Gigi Vibes band sa kanilang G Rules concert na magaganap sa The Theatre at Solaire ngayong Pebrero 18 (Sabado), 8pm.

Matapos ang matagumpay na Domination Tour sa Manila, Middle East, at U.S., handog nina Gigi at kanyang bandmates ang exciting na live performances ng kanilang sikat na original songs at covers na nag-viral sa social media. “Actually we wanted it to be as intimate as possible, yung abot kamay lang nila kami,” kwento ni Gigi tungkol sa nalalapit na event.

Inilabas ng Star Magic talent at Rise Studio artist na si Gigi ang kanyang self-titled debut album na umani ng mahigit 3.9 milyong streams sa Spotify noong nakaraang taon.

Tampok sa album ang hit song na Sakalam at ang key track na O Bakit Ba.

 Available ang tickets na nagkakahalaga ng P6,480 (SSVIP), P5,400 (SVIP), P3,780 (VIP), P3,240 (Gold), P2,160 (Lower Balcony), at P1,620 (Upper Balcony) sa ticketworld.com.ph at Solaire Box Office.

Show comments