Nanette at Alden, nakaka-touch ang pagmamahal

Alden

Sa lahat ng dumalaw sa akin ng nagkasakit ako, maraming salamat at lagi ko itong tatanawing utang na loob ang binigay nilang oras.

Sa showbiz kasi madalian ang oras kaya malaking bagay ‘yung pag-ukulan ka ng oras ng kahit sino.

Forever grateful ako at hindi ko makakalimutan iyon.

At dalawa sa kanila na talagang nagpa-teary eyed sa akin ay sina Nanette Medved at Alden Richards.

Si Nanette na sa mga alaga ko ang hindi ko gaanong nabigyan ng oras, pero talagang dalawang araw at para bang walang oras na hinahabol nang dalawin ako. At si Alden na hindi ko alaga pero hinintay pang magising ako at dinayo ang malayong lugar at traffic nang aking bahay para lang bisitahin ako.

Hindi ko alaga si Alden kaya hindi ko akalain na ganun anginiukol niyang oras sa akin.

Talagang touching sa akin ang mga ipinadamang pagmamahal nina Na­nette  at Alden at iba pang dumalaw sa akin na hindi ko na iisa-isahin pa dahil baka hindi na magkasya rito sa kolum ko.

Hindi ko malilimutan ito, forever grateful ako dahil nadama ko ang pagmamahal ninyo.

Kahit pa nga sabihin na konting oras lang, ginto ang mga minuto na iniukol n’yo sa akin.

Forever it will stay in my heart and mind.

At promise ko Alden, lagi kitang ipagtatanggol at mamahalin. Kung gagaling ako sa aking sakit, alam ko na ang mga dasal at pagmamahal na ipinadama ng mga taong nasa paligid ko ang isa sa dahilan. ‘Yung love at prayers nila ang medicine na nagbigay lakas sa akin.

I love all of you, forever thankful and grateful. Bongga kayo.

Show comments