^

Pang Movies

Sen. Bong gagawa ng teleserye, Agimat waging Best Drama Mini-Series

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sen. Bong gagawa ng teleserye, Agimat waging Best Drama Mini-Series
Bong

Super happy si Sen. Bong Revilla Jr. matapos parangalan ang pinagbidahan niyang teleseryeng Agimat ng Agila na ilang linggo ring namayagpag sa GMA 7.

Nagwagi ito sa 35th Star Awards for Television bilang Best Drama Mini-Series.

“Napakahalaga ng mga ganitong award dahil ito ang nagbibigay-sigla sa atin para lalong sipaging magtrabaho. Ang mga ganitong pagkilala’y labis nating pinasasalamatan,” saad ni Sen. Bong sa isang statement.

Sa natanggap na parangal, may inaasahan ba ang fans niya na bagong programa ng aktor / pulitiko?

Tikom ang bibig ni Sen. Bong tungkol sa gagawin niyang bagong programa sa GMA 7.

Pero siniguro niyang hindi mabibitin ang mga manonood dito.

“Hindi mini-series kundi isang malaking produksiyon ang aming inihahanda. Mahirap magbigay ng detalye sa ngayon pero, malay n’yo, baka araw-araw n’yo na kaming mapapanood,” sabay tawa ni Sen. Bong.

Maaalala kasing ma­raming nabitin sa Agimat ng Agila kahit nagkaroon ito ng Book 2.

Sinubaybayan ito at namayagpag talaga sa rating kaya talagang waiting na ang fans ni Sen. Bong na bilang Chairperson ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation ay pinangunahan ang pagdinig sa mga panukalang batas na naglalayong gawaran ng karag­dagang benepisyo at insentibo ang  mga public school teacher.

Mccoy, iisa ang itinira sa kanyang IG!

Ano kayang meaning ng pagbubura ni Mccoy de Leon ng mga post niya sa kanyang Instagram account?

Kahapon nga ay napansin na isang picture lang nila ni Elisse Josson at anak nila ang natira.

Black and white ito at posted 29 weeks ago.

 Skyranch plus at tatlong heart emojis lang ang caption.

Naging maingay ang diumano’y hiwalayan nila pero hindi nagtagal ay sinasabing nagkabalikan sila.

Hindi na bago ang mga ganitong pangyayari sa mga celebrity couple na may pinagdaraanan.

Ganito rin ang ginawa noon nina Yen Santos nang unang ma-link kay Paolo Contis at AJ Raval, nagbura rin ng mga post, nang maging controversial ang tungkol sa kanila ni Aljur Abrenica.

Derek at Ellen, naging kontrobersyal sa paglalagay ng PH flag sa kanilang bahay!

Big deal kahapon ang paglalagay ni Derek Ramsay ng Philippine flag sa balcony ng kanilang bahay kung saan makikita ang ilang Chinese symbols sa katapat nilang bahay across the street.

“I like the view #proudpinoy” na may laughing emojis at maririnig si Ellen Adarna na nagsasalita at tumatawa sa kanyang IG story. Meron pa siyang “Patriotic” at ilang laughing emojis kung saan naka-tag si Derek sa nasabing post.

Kaso ang ibig sabihin pala ng Chinese symbols na nakalagay sa may pintuan ng katapat nilang bahay ay “May good luck arrive at these doors each year. And may all things be gradually fulfilled to your heart’s desires” ayon sa isang nakabasa ng nasabing characters na para sa Chinese New Year celebration.

Nagmaganda raw agad ang mag-asawa at may paganun pang nalalaman.

Kaya naman iba’t iba ang reaction ng netizens at nilait-lait na sina Derek at Ellen.

Nagkomento rin ang ChiNoy TV host na si Richard Juan ng “The sad truth is, despite HUNDREDS OF YEARS of history in the Philippines, it’s the unwelcoming actions like this that makes us Chinoys feel like we STILL don’t belong here.”  Pero kinuyog at pinagsabihan siyang hindi totoo ang mga sinasabi niya dahil maraming mga ChiNoy ang bosses at mga Pinoy ang employees at lumalabas ng second class citizen na lang ang Pilipino bilang sagot sa sinabi niyang ‘di sila belong dito sa ating bansa.

‘Paiimbestigahan’

 Mabilis ang sagot ni Jinkee Pacquiao na hiwalay na sila ni Sen. Manny Pacquiao at siya ay buntis ulit.

Sa kanyang IG stories ay pinatunayan niyang ‘di siya buntis nang mag-post ng video habang nasa nagti-training ng boxing. “Sa mga maritesssss “God bless you more!”

Sa kanyang second story ay nakalagay na: “Vengeance is mine, I will repay, says the Lord!” Romans 12:19-21’”

“Hello everybody.

“Tuesday 1:35 pm in gensan.”

Sumagot din siya sa Fast Talk with Boy Abunda ng “Fake news! I am NOT pregnant. Pinapaimbestigahan na namin sino ang nagkakalat ng fake news na ‘yan! We are very much in love w[ith] each other and going stronger every day. God is good!”

vuukle comment

BONG REVILLA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with