Eraserheads reunion concert, itinangging nalugi!

Eraserheads

MANILA, Philippines — Nag-react ang ibang taong involved sa Huling El Bimbo reunion concert sa napabalitang nalugi raw ito.

Hindi raw sila naniniwalang lugi ito.

Sa dami raw ng sponsors, nabawi na raw dito ang puhunan sa naturang concert.

Itinanggi nilang P80M daw ang talent fee na siningil ni Ely Buendia.

Hindi nila kinumpirma ang eksaktong amount, pero sa tingin daw nila umabot ng P10M ang talent fee nina Ely at pati kay Raimund Marasigan.

Isa si Alden Richards sa mga producer, pero wala siyang sinabi kung nabawi ba niya ang puhunan o nalugi siya sa first venture ng kanyang production.

Direk Joel, ilalantad ang katotohanan 

Walang pakialam si direk Joel Lamangan sa napabalitang tatapatan ng Martyr or Murderer ni direk Darryl Yap pelikula niyang Oras de Peligro.

“Tumapat sila nang tumapat. Kahit tumabi sila nang tumabi, wala akong pakialam. Basta gagawin ko ang pelikula, at tama naman ang pelikula. Ito’y nagsasabi ng totoo,” bulalas ni direk Joel.

Tampok sa pelikulang ito sina Cherry Pie Picache at Allen Dizon at proud si direk Joel nang napanood niya ang kabuuan ng pelikula.

“Matapang siya. Totoong nangyari noong Pebrero 1986, three days bago lumayas si Marcos. Ano ba talaga ang nangyari? We will reveal everything,” saad ng premyadong direktor.

“At based on facts and historical video. Meron kaming historical video na ilalagay dun. Nakapasok ang istorya ng pamilya ni Cherry Pie,” dagdag niyang pahayag.

Magkakaroon ng premiere night ng Oras de Peligro sa Feb. 24, pero sa March 1 pa ang showing nito.

Tingnan natin kung ano naman ang kuwento nitong Martyr or Murderer na itatapat sa obra ni direk Joel Lamangan.

Samantala, pinabulaanan ng naturang direktor ang kumalat na tsismis na meron daw itong sex scene na umabot ng 30 minutes.

“Paninira lang ‘yun! Wala ngang halikan dun. Walang mga holding hands. Political film ‘yun.

“Sinisiraan. Hayaan mo nang siraan nang siraan nila,” sabi pa ni direk Joel Lamangan.

Show comments