David, si Barbie lang ang gustong katambal!   

Barbie

Diretsong sinabi ni David Licauco na wala na siyang ibang gustong makatrabaho kundi ang kapareha niya sa Maria Clara at Ibarra na si Barbie Forteza at hoping siya na magtuluy-tuloy pa ang kanilang tandem.

“Kung ako ang tatatanungin mo, ang gusto ko lang makatrabaho sa GMA ay si Barbie,” deklara niya sa media launch nila as celebrity endorsers ng Ishin.

Natawa ang aktres sa sinabi ni David at pagkumpirma ulit ng aktor, “totoo naman.”

Dagdag pa niya, “sobrang galing kasi ni Barbie umarte. I mean, kung papapiliin ako right now kung sino ‘yung gusto kong maka-loveteam, si Barbie siyempre. Pero siyempre, depende na ‘yun sa kanya. Siyempre, mas maraming cute sa akin. Pero sana, sana.”

Super happy ang aktor na finally ay nare-recognize na rin siya ng mga tao at may mga pumupuri na sa kanya bilang aktor.

“Nakakabasa na ako ng mga magagandang comments kasi dati, ang mga nababasa ko lagi sa mga comments, ‘uy ang bano ni David na umarte,’ ‘bakit ganyan? Maghubad na lang siguro siya.’

“But then, that those 3 years really inspired me to work on my craft and right now, I’m happy na finally, nare-recognize na nila ‘yung pinaghirapan ko throughout the years,” aniya.

Kung kailan tumanda Rez, sumabak sa hubaran

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumabak na rin ang veteran actor na si Rez Cortez sa daring scenes via his latest film, Mang Kanor ng AQ Prime streaming platform.

Sa naturang pelikula ay ginagampanan ni Rez ang isang matanda’t pangit pero maraming pera at mahilig i-video ang pakikipag-sex sa iba’t ibang babae.

Ayon sa kanya sa mediacon and private scree­ning ng pelikula last Wednesday sa Gateway mall, ito na raw ang pinaka-daring film na nagawa niya sa limang dekada ng kanyang career.

Kung sa halos lahat ng pelikula ni Rez ay kontrabida siya, this time ay bida siya at title role pa.

Show comments