Heart, kinaiinggitan

Heart Evangelista

Nakakainggit ang mga pictorial ni Heart Evangelista sa Paris. Bongga, ‘di ba, talagang very confident at kitang-kita mo na parang at home siya sa paligid niya. ‘Yung confidence na iyon ni Heart ang wala ang ibang stars. Kasi nga dahil sa magandang background kaya carry niya na maging very confident, kahit pa nga sa Paris. Hindi niya kailangang maging trying hard.

Iba talaga ang formative years mo ‘pag maganda ang environment. Gaya ni Heart na siyempre dati nang sosyal ang mga Ongpauco kaya naman carry niya hanggang ngayon. Hindi gaya ng iba na nagkaroon lang ng premium nang maging sikat na artista. Si Heart ang since birth may kinang na. Kaya naman bongga ang galaw.

Pamilya ni Mother Lily, legit na Kapamilya

Napatunayan ko kung gaano ako kamahal ni Mother Lily Monteverde at mga anak niya nang kunin akong ninang sa kasal nina Meme at Roselle Monteverde.

Imagine na akala ko basta publicist lang ako sa Regal Films noon, iyon pala talagang parang isang member ng pamilya ang turing nila sa akin.

Tawa ako nang tawa nang tumawag si Meme Monteverde Tan para alukin ako ng financial help para sa aking pagda-dialysis. Talagang sabi niya kailangang mahaba ang buhay ko at anytime, handa siyang tumulong sa ninang Lolit niya.

At humanda si Allan Diones dahil iche-check ni Meme ang unit sa Imperial Condo at ‘pag nakita niya na hindi maganda ang maintenance ipapa-vacate niya para ayusin. Kaya ‘pag nakita niya ang sinasabi ni Bernard Cloma na maraming sira sa loob ng unit na pinarenta ko kay Allan, sure ako na out na siya sa unit.

Bakit kasi hindi pa lumipat matapos akong mabudol ng maraming taon sa rent na P9K a month. Talagang naloka si Meme nang malaman niya na ganun kababa ang renta at maraming taon akong nabudol ni Allan. Kaya ngayon, bahala na si Meme Monteverde. Siya na ang magpalayas kay Allan para magmukha na uling condo unit ang room ko sa Imperial. Bongga.

Show comments