COVID-19 positivity rate sa Metro Manila at 12 lalawigan sa Luzon, tumaas

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng OCTA Research Group na tumaas ng 12.4 percent ang seven-day COVID-19 positivity rate  sa Metro Manila at  12 lalawigan sa Luzon.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, ang po­sitivity rate sa NCR ay umabot sa 12.4% noong Disyembre 3, mula sa dating 11.1% lamang noong Nobyembre 26.

Tumaas din anila ang positivity rates sa ilang lugar sa Luzon tulad ng Bataan; Cagayan; Camarines Sur; Ilocos Norte; Ilocos Sur; Laguna; Nueva Ecija; Pampanga;  Quezon; Rizal at Zambales.

Bumaba naman ang positivity rate sa Albay, Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Isabela, Kalinga, La Union, Mt. Province at Tarlac. - Angie dela Cruz

Show comments