^

Pang Movies

Martin, subok na ang tunay na ugali

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Martin, subok na ang tunay na ugali
Lolit at Martin

Tatlong favorite singer ko, sina Marco Sison, Mark Bautista at Martin Nievera. Alam mo ba kung bakit, hindi ko makalimutan na nagpunta sila para bisitahin si Bong Revilla nung nasa Crame ito.

Napatunayan ko na may mabuti silang puso at marunong makisama. Tinanaw ni Bong Revilla na isang malaking utang na loob iyon sa tatlong singers, Martin, Mark at Marco.

Si Martin talaga, feel na feel mo kung gaano kabait dahil napaka-sweet kahit saan mo makita. Very touchy siya na mahilig yumakap at very sweet na parang bata. Kaya talagang kahit ano pa ang mangyari, Team Martin Nievera ako.

Hindi ako maniniwala sa mga naririnig ko kung minsan na paninira sa kanya. Para sa akin gentleman, kind and humble si Martin. At pagdating sa pagtulong at pagrespeto sa tao, number 1 si Martin.

Isa siya sa great singer na masasabi ko. Basta a very good person, a gentleman, the best singer, very professional and man of honor, Martin Nievera, my idol and favorite. Love you, Martin.

At kahit sabihin mo pang over ako sa pagpuri kay Martin hindi ko pa rin talaga mapigil ang sarili ko na purihin siya. Nakita mo ba ang ho­nesty niya nang ipina­kilala niya pa sa atin ‘yung GF niya na ang pretty naman talaga. ‘Yung honesty dapat igalang kaya hindi dapat iniintriga. Saka iyon bang open na open siya sa pagsagot sa mga tanong sa kanya. I really love Martin Nievera, kaya ang gaan talagang makasama sa trabaho.

No wonder nagtagal si Martin sa music world. Hindi lang siya concert king, gentleman, at kind person, siya pa rin ang sweetest of them all.

MARTIN NIEVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with