^

Pang Movies

Blvck Ace, dumaan sa matinding training

Pang-masa

MANILA, Philippines — May bagong all-girl P-pop group na inilunsad ang bago ring kumpanya na Blvck Entertainment na pag-aari ng mag-asawang negosyante na sina Engr. Louie at Grace Cristobal.

Ito ay ang Blvck Ace na binubuo nina Rhen, Jea, Ely, Anasity at Twinkle na mga edad 18 to 19.

Sa launching ng grupo at ng Blvck Entertainment nitong Lunes, napag-alaman mula kay Engr. Grace na ang pangalan ng grupo ay mula sa pinagsamang pangalan ng kumpanya (‘Blvck’) at ng pangalan niya (‘Ace’). “’Pag sinabi nating Ace, siya ‘yung alas natin,” paliwanag ng group manager.

Pulos first timers sa pagpe-perform ang limang girls.

Hindi lang sa P-pop naka-concentrate ang Blvck Ace kundi maging sa novelty at OPM songs. Novelty ang pinakaimportanteng category para sa kanila ayon sa may-ari ng Blvck Entertainment.

Bilang mga baguhan sa larangan ng pagkanta’t pagpe-perform, tatlong buwan nagsanay sina Jea, Ely, Anasity, Twinkle, at Rhen bago sumalang sa press launch.

Anyway, available na ang Pasahero sa Spotify, Apple Music, iTunes, Amazon, Geezer, Medianet, Boomplay, YouTube, at iba pang music streaming platforms.

vuukle comment

P-POP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with