^

Pang Movies

MMFF, hindi mapapanood nationwide?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
MMFF, hindi mapapanood nationwide?!

Hindi ba nationwide ang magaganap na Metro Manila Film Festival (MMFF)?

Ayon kasi sa isang producer, hindi lahat ng mga sinehan sa buong Pilipinas ay sumali.

Actually, more on Metro Manila lang na ang ibang city nga raw ay wala pang mga sinehan dahil nagsara na.

Although more than 200 theaters na raw ang sumali sa bunutan ng walong pelikula, pero lumalabas pa rin daw na 30 something lang theaters ang bawat pelikula.

Umaasa ang mga producer na mas marami ang manonood ngayon ng mga pelikulang kasali sa MMFF lalo na nga at halos normal na ang lahat.

Saka sabik ang lahat sa Pasko na tatlong taong hindi naging normal ang celebration dahil sa pandemya.

Tulad sa mga nakaraang MMFF, nagbunutan ang mga producer ng mga sinehan.

At malamang din, kung sino ang malakas ‘yun ang magtatagal at ang mahihinang pelikula tsugi agad sa mga sinehan.

Hudyat ng pag-uumpisa ng taunang film fiesta ang Parade of Stars na punong abala ay ang local government of Quezon City.

Magsisimula ang parada sa Welcome Rotonda-Quezon Avenue hanggang Quezon Memorial Circle ng 2 p.m. sa Dec. 21.

Seven kilometers ang babaybayin ng parada kaya inaasahang tatagal ito ng two hours and 30 minutes.

The official eight entries ng MMFF 2022 ay ang mga sumusunod : Deleter by Viva Communications, Inc.; Family Matters by Cineko Productions, Inc.; Mamasapano: Now It Can Be Told by Borracho Film Production; My Father, Myself by 3:16 Media Network and Mentorque Productions; Nanahimik ang Gabi by Rein Entertainment Productions; Partners in Crime by ABS-CBN Film Productions; Labyu with an Accent by ABS-CBN Film Productions and My Teacher by TEN17P.

Magbubukas ito sa mga sinehan sa Pasko, Dec. 25.

Magaganap naman ang The Gabi ng Parangal (Awards Night) sa Dec.27 at the New Frontier Theater in Cubao, Quezon City.

Sana nga talaga ay kumita ang walong pelikula kahit na nga hindi lahat ng mga sinehan ay nagbukas at sumali.

At kahit kumbaga ay nag-iba na rin talaga ang landescape sa panonood ang pelikula sa kasalukuyan dahil sa streaming platforms

John Lloyd, hindi na naalala ng mga ex na sina Ruffa at Ciara

“Marami kaming ibang pinag-uusapan,” mabilis na sagot ni Ciara Sotto habang katabi si Ruffa Gutierrez sa press launching ng kauna-unahan nilang programa, ang Mhies on a Mission (M.O.Ms).

Common knowledge na pareho ex jowa sina Ruffa and Ciara ni John Lloyd Cruz.

Pero iba na ang chikahan nila “...like her current,” ani Ruffa.

“Wala talaga nakakahiya. Wala promise!,” hirit ulit ni Ciara tungkol sa basketbolistang na-mention ang name na kausap niya sa isang party kaya na-link sa pangalan niya (Ciara).

Pero napag-usapan n’yo kahit papano si John Lloyd? 

“Malapit na,” sagot ulit ni Ciara.

“Wala, hindi kasi jusko lumang kwento na ‘yun. Nauna pa ata si Ciara parang 20 years ago na ata ‘yun,” hirit ulit ni Ruffa.

“Family friend ko si ate (Ruffa). Syempre mas matimbang ‘yung family ‘di ba,” agad naman banggit ng anak nina former Sen. Tito Sotto and Helen Gamboa.

“Neighbors kami kasi talagang right behind our house is your house,” ang chika ni Ruffa.

“So lahat ng pumupunta sa bahay namin nakikita niya,” sabi naman agad ni Ciara.

Marami na rin ba siyang alam sa lovelife?

R: “Parang masyado siyang sporty, we have to find sporty man for her,” sabi ni Ruffa tungkol sa lalaking puwede kay Ciara.

C: “Wala actually task nila ni Mariel (Rodriguez) hanapan ako so wala zero.”

C: “Ang dami kong natututunan kay ate Ruffa.”

Oh di ba, para na talaga silang nag-talkshow, wala pa sila sa harap ng camera nun.

Hahaha.

Wala pa ron doon si Mariel na ayon kay Ruffa ay kinabog siya sa kadaldalan.

Siyempre, ang artist na si Isabel Santos ang sinasabing karelasyon ngayon ni John Lloyd.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with