^

Pang Movies

Kris, extended sa Amerika!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Patuloy na nagpapahatid ng panalangin ang pamilya, mga kaibigan at supporters ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino na patuloy na nakikipaglaban sa kanyang rare disease na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalapatan ng karampatang lunas dahil na rin sa napakaraming allergies ng actress-TV host at entrepreneur sa mga gamot.

Umaasa si Kris na malalagpasan niya ang kanyang health battle alang-alang sa kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby na kailangan pa siya.

Mai-extend ang medical treatment ni Kris sa Amerika kaya nagpa-extend na rin sila ng kanilang stay ru’n until next year.

Kahit mahigit kalahating taon na si Kris sa Amerika ay never pa siyang nakalabas sa malls, supermarket o iba pang lugar dahil sa kanyang health condition.

Jay-R, na-COVID

Tiyak na nalungkot ang fans at nakabili na ng tickets sa Soul Brothers concert nina Jay-R at Kris Lawrence dahil hindi matutuloy ang kanilang scheduled short sa Fort McKinley in San Francisco, California USA sa araw na ito ng Sabado, Nov. 26, dahil kinapitan ng COVID-19 si Jay-R, mister ni Mica Javier, pamangkin ng namayapang OPM icon na si Danny Javier.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, the producer of the concert will refund all those who have bought tickets in advance.

Ang Soul Brothers concert nina Jay-R at Kris ay una nang nagkaroon ng successful shows in Las Vegas, Nevada at Los Angeles, California at pang-tatlong leg sana ang show nila sa San Francisco.

Kahit unti-unti nang nagluluwag ang pandemya sanhi ng COVID-19, hindi pa rin ito tuluyang nawawala kaya ibayong pag-iingat pa rin ang kailangan nang lahat.

Samantala, dream come true pa ring maituturing ni Jay-R ang kanyang pag-awit ng US National Anthem (Star Spangled Banner) during the Los Angeles Clippers match against The Utah Jazz ng NBA at the Crypto Arena para sa Filipino Heritage Night na ginanap nung March 31, 2022. On same month ay nagdiwang din ng kanilang ikalawang wedding anniversary sina Jay-R at Mica na ikinasal sa Boracay nung March 2, 2020.

Exclusive interview kay Lolit, walang bashing!

Hataw sa views ang aming exclusive interview (or kuwentuhan) sa veteran entertainment columnist at  showbiz icon na si Manay Lolit Solis (at entertainment columnist sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa)sa aming online show on YouTube, ang TicTALK with Aster Amoyo nang ma-upload ang kabuuan ng aming kuwentuhan (more than an interview) kahapon (Biyernes) ng alas-12 ng tanghali.

Surprisingly, halos walang bashing at pawang positibong komento ang nakuha ng natatanging panayam granted to us ng nag-iisang si Lolit Solis.

Sa pamamagitan ng aming kolum (dito sa PM), ang aming taos pusong pasasalamat kay Manay Lolis dahil sa tiwalang ipinagkaloob niya sa inyong lingkod at kami lamang po ang bukod tanging kanyang  pinagbigyan sa kabila ng kanyang health condition.

At sa pamamagitan ng aming kuwentuhan o panayam sa TicTALK…. ay naliwanagan ang ating manonood sa tunay na pagkatao ni Manay Lolit Solis na hindi alam ng publiko at ng mga taong hindi nakakakilala sa kanya nang lubusan..

Muli, maraming maraming salamat, Manay Lolit at hangad namin ang iyong lubusang paggaling.

SB19 at Ben&Ben, humakot sa Awit Awards

Big winners and pioneering P-Pop group na SB19 at ang folk pop/pop rock group na Ben&Ben sa katatapos pa lamang na 2022 Awit Awards na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resort in Pasay nung nakarang Miyerkules, Nov. 23.

Pitong awards ang nakuha ang SB19 habang lima naman sa Ben&Ben, at tatlong awards naman ang nasungkit ng tinaguriang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan. Panalo rin sina Maymay Entrata, Darren Espanto at iba pa.

Samantala, tiyak na aabangan ang mga winners ng The Eddy’s Awards ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors), samahan ng mga entertainment editor na gaganapin ngayong gabi sa Metropolitan Theater at 7 p.m.

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with