^

Pang Movies

Kim, dinepensa kung bakit Mr. Right si Xian   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado naman si Kim Chiu na si Xian Lim na talaga ang kanyang Mr. Right dahil katuwiran niya, hindi raw pinapasakit ng boyfriend ang kanyang ulo. “Mr. Right naman talaga siya. Hindi niya naman pinapasakit ‘yung ulo ko, so siguro...,” sey niya sa panayam sa kanya ng Star Magic Inside News.

Dagdag niyang biro, “ganu’n talaga ‘yung reason, char!”

Pero isa pang maipupuri niya kay Xian ay loyal boyfriend daw ito. “Very loyal. ‘Yung parang kahit iharap mo siya sa lahat ng mga girls, parang ako pa rin ang maganda,” sey niya.

Matagal na nga ring tinatanong sa dalawa kung mayroon na ba silang plano na mag-settle down at sey ni Kim ay hindi naman daw sila nagmamadali dahil bata pa naman sila.

“30, 31 palang naman kami. Sa day and age nga­yon, masyado pang maaga ‘yun,” pahayag ng aktres.

Maja, last birthday na bilang single lady

Mukhang malapit nang ikasal si Maja Salvador sa fiancé na si Rambo Nuñez. Matatandaang na-engage ang dalawa last April and since then ay wala pa silang ibinibigay na update kung kelan ba sila ikakasal or may preparations na bang nagaganap.

Nagdiwang ng kaarawan si Maja last Oct. 5 at ipinost niya sa kanyang Instagram ang mga larawan na mula sa selebrasyon.

Sa caption ay sinabi ng aktres na ito na raw ang last birthday niya na single siya na tila pagbibigay ng hint na nalalapit na ang kanyang kasal.

“Last birthday as a single Lady,” Maja wrote.

Dumagsa naman ang pagbati kay Maja ng netizens at celebrity friends. Mayroon ding nagko-congratulate na sa kanya para sa nalalapit na kasal.

“Wow that’s why so bongga the celebrations. Happy 34th birthday again MAJAsty and next Congratulations na pala for wedding naman. Exci­ting?,” pagbati ng isang netizen.

Syempre, nag-post din ng sariling birthday greetings si Rambo sa kanyang IG page.

“Birthday My Love!

“YOU have a very big heart, YOU love making people happy and YOU are very selfless. That is simply being YOU!

“And that’s why I Love YOU!,” ang birthday message ng fiancé ni Maja.

Ang malaking tanong ngayon ay kung this year ba or next year na ang kasal nina Rambo at Maja at marami na rin ang curious kung anong klaseng wedding ba ito –kung church, garden o by the beach, etcetera. Inaabangan din ng mga Marites kung enggrande ba ito or simple lang.

Ivana, naibalik ang naglahong 19m followers

Naibalik na ang Facebook page ni Ivana Alawi na matatandaang inireklamo niya few days ago na bigla raw nawala.

Sa kanyang Instagram Story ay inanunsyo nang okay na ang kanyang FB page pero ang Ivana Skin page raw ay hindi pa.

“Finally!!! Naayos na ng Meta team although di parin naayos yung Ivana Skin page…Konting tiis nalang,” caption ni Ivana.

Last Oct. 3 nang ibalita ni Ivana sa kanyang post na bigla na lang daw nawala ang FB page niya na may 19 million followers gayundin ang page ng kanyang negosyong Ivana Skin.

“My 19 Million Verified page disappeared with No Warning, No Violation, No report and no email. A few hours later my business page for @ivanaskinph also disappeared. It’s not a bug… No reports, No reason. Why??,” reklamo niya.
Sa ngayon ay deleted na sa kanyang IG account ang reklamo niyang ito.

KIM CHIU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with