Dennis, beterano na ang tingin kay Barbie   

Barbie

Umani ng mga papuri mula sa fans at viewers ang first appearance ni Barbie Forteza sa newest fantasy-time portal series na Maria Clara at Ibarra. Na-amaze ang viewers kay Barbie at napuno ng praises ang Twitter ng acting prowess niya. 

Sabi ng isang netizen, speechless siya sa acting ni Barbie, dahil bagay ang role na ginagampanan niya bilang si Klay sa story.

Kahit si director LA Madridejos ay nag-comment: “Hindi ko na ma-ima­gine si Klay na hindi si @dealwithBARBIE. Ganun siya ka-effective!”  Even si Dennis Trillo, ay pinuri rin siya: “des­pite her young looks, she seems like a veteran once she started acting.”

“Challenged po naman ako ng role, dahil as a Gen Z, wala akong pagbabasehan ng role ni Klay, ‘di tulad ng mga co-stars ko na based ang characters nila sa Noli Me Tangere. Pero naging fun sa akin ang character, ‘yung pagiging kikay, hindi ko inalis ‘yung pagiging Barbie Forteza.”

Nagtala ang world premiere ng Maria Clara at Ibarra ng 15.1 percent rating.

Napapanood ang serye at 8 p.m. after 24 Oras sa GMA 7.

Jeric, ‘di muna magseseryoso

Masayang ibinalita ni Jeric Gonzales na magiging masaya ang pagpasok niya sa hit series na Start-Up PH, malayo sa mga seryosong eksena na napanood ng viewers.

Sa interview sa kanya ni Lhar Santiago sa Chika Minute magiging lot of fun ang eksena sa pagpasok nila ng TST Boys (Three Sons Tech) with Boy 2 Quizon and Royce Cabrera.

Labis ang pasasalamat niya na napasama siya sa Pinoy adaptation ng K-drama na he considers his role as his biggest break at na-overwhelm daw siya nang first time niyang napanood ang sarili sa teaser playing the role of Davidson “Dave” Navarro. Very soon, mapapanood na siya bilang ka-love triangle nina Bea Alonzo as Dani at Alden Richards as Good Boy Tristan Hernandez.

Bea, nanibago!

Nasa Viva Artists Agency (VAA) na si Bea Binene ngayon, at inamin niyang naninibago at kinakabahan siya kasi ngayon nga lamang siya lumipat ng ibang management. “It feels new, with different people, different surroundings, pero excited po ako, I feel blessed and I look forward to working with all of them.”

Nilinaw ni Bea ang balitang hindi na ni-renew ng GMA Network ang contract niya. “When the pandemic started, it was so scary, wala pang vaccine, kaya nakakatakot lumabas, I just stayed with my family at home. I cannot do lock-in taping kaya sabi namin hindi na muna ako magtrabaho. But I will always be thankful to GMA, I wouldn’t be here without them, 18 years ako sa kanila.”

Show comments